CHAPTER 21 Ciarly's P. O. V Kakatapos lang ng klase namin. Sobrang nakaka-stress dahil ang daming activity na ginawa, laging kailangan gamitan ng utak, e wala ako no'n! "Parang tumakbo ako ng ten thousand miles kahit nakaupo lang ako," sabi ni Louise. "Ubos na energy ko," sabi ni Rachelyn at sinakbit ang bag niya. "Si Celyn kasi ayaw magpakopya kanina," ani April. "Oh! Gusto mo na naman bang ma-guidance?" tanong ni Rachelyn. Tinapik ko naman si Anmaelyn na ngayon ay nag-aayos ng gamit niya. "Kamusta naman si Top 1 namin? Na-stress ka ba?" tanong ko. "Oo naman 'no! Nakakapagod kaya magkabisado ng madaming lessons tapos iba-iba pa 'yung subjects, minsan nag ha-halo-halo na sa utak ko yung mga words," sabi niya. "Gago naka 5 lang ako sa Math kanina," ani Shane. "Magbabaksan dito~"