CHAPTER 10 Ciarly's P. O. V Hawak-hawak ko ang iced coffee na nakabote at mamon para kay sir. Nagchat ako sa kaniya kagabi pero hindi niya ako si-neen. Inbox zone lang. Nakasandal ako sa gilid ng pinto ng room namin habang nag-aabang kay sir Lenus. "Penge," ani Mark. "Gusto mo?" tanong ko. Tumango naman siya. "Luh, asa ka!" sabi ko't umirap sa kaniya. "Arte mo ghorl!" maarte niyang sabi sa 'kin. Napabaling ang tingin ko sa corridor nang makita ko si sir Lenus na naglalakad patungo sa room niya. Dahan-dahan ko siyang sinundan. Mabilis ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Gusto ko lang pa gaanin ang loob niya dahil nga sa nalaman ko kagabi. "Good Morning, sir Lenus," bati ko nang buksan ni sir ang podlock ng classroom niya. "Good Morning