CHAPTER 02

1298 Words
CHAPTER 02 YAYA LINGLING AND THE BILLIONAIRE'S TWIN "This is mine." Binaling ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsasalita. Isang maliit na bata na nasa edad four to six years old at may mahabang buhok na straight at nakahead band na kulay pink, na may bilugang mata at mahabang pilikmata. Wow, totoong manika na ata itong nakikita ko eh. Kaso mataray na manika. Tinaasan ko siya ng kilay na masama ang tingin sa akin, pareho naming hawak ang teddy bear na kulay pink. "What? This is mine... ako ang unang kumuha nito!" taas-noo kong sinabi. "But I saw it first. Ikaw ang unang kumuha because you have a long braso, and look at mine, ang liit. But still…this is mine." mataray talaga nitong diin na siya ang una. Well…pumapatol ako sa bata. "Alam mo pala eh na malaki ang braso ko, at fyi, ako ang unang nakakita nito, so, sa akin na ito mapupunta, ako dapat ang nagmamay-ari nito dahil ako ang unang kumuha." mayabang sabi ko, hindi pa rin namin binitawan ang kawawang teddy bear dahil nag-aagawan kaming dalawa. "No-i saw it first!" aba! Nagtataray talaga sa akin, ang liit na tao, maldita pa. Sino ang nanay at tatay nito? "No, I saw it first." pangungulit ko rin. "What's happening here, Amalthea?" pareho namin nilingon ang nagsasalita sa gilid namin at ang tinawag na pangalan, biglang tumaas pa ang isang kilay ko na makita kung sino ang nakapamewang na batang babae na masamang nakatingin sa akin, pinagmasdan ko ang dalawang bata sa harapan ko, same sila ng mukha at height, so kambal pala ang mga ito. Kahit style ng damit ay same lang din, hindi lang same ng kulay. Ang batang Amalthea na ngayon ay mas hinigpitan ang paghawak ng teddy bear ay itinuro niya ako sabay irap ang mata at matalim ang tingin sa akin. "Because someone is old here, na ayaw ibigay sa akin ang teddy bear. I saw it first and while I tried to grab it, she said she's the one who saw it first and grabbed it too, Lysithea." Aba! May kakampi na siya. Hindi naman ako nagpatinag sa dalawang bata na ito. Tulad ng sabi ko, pumapatol ako sa bata lalo kung pareho kami ng ugali. "Nope... ako ang unang nakakita, so, dapat ako ang unang nagmamay-ari nito binibini." saad ko ng mahina para hindi kami maka-agaw ng eskandalo sa mga staff at bumibili, buti nalang at hindi rin sumisigaw ang mga batang ito kapag nakikipag-usap, mahinahon naman ngunit mataray nga lang, saan ba ang mga magulang nito? Tiningnan ko ang teddy bear na ngayon ay nasasaktan na dahil hawak ng bata ang ulo nito at ako naman ay ang dalawang paa. "You're so old na lady, why do you want, teddy bear pa ba?" aniya sa isang bata na ngayon ay nilagay ang dalawang braso pa cross sa kanyang dibdib habang masama ang tingin sa akin. Kung ka level ko lang ang tangkad nila ay baka nagsabunutan na kami ngayon. "Aba! Makapagsabi ka riyan na old. I'm only 23 years old no, fresh and virgin, at hindi ba kayo tinuturuan ng mga magulang niyo na gumalang sa mga matatanda? Ibig sabihin, kung may lady first dapat meron ding older first?" taas-noo kong tanong sa kanilang dalawa na ngayon ay hawak ng isang bata na bagong dating ang teddy sa tenga , kung buhay lang itong stuff toy na ito, umiiyak na dahil nasasaktan. Omg, ang bad pala namin. "So, you admit it na your so old na, pero bata pa kami dapat sa amin na ito. Ang laki laki mo na, maglalaro kapa nito?" "No kaya!" agad ko na sabi dahil nga may pagbibigyan ako. Ngayon lang ako nagagandahan sa toys na ito, baka wala na silang stock, at paki ko ba kung pumapatol ako sa mga bata, eh sila nga, pumapatol sa matatanda. Tsk. "Kawawang nanay, gusto ng anak ang teddy bear pero hindi nila maibili-" " Oo nga kaya nagtatalo, medyo mahal pa naman ang ganyan na laruan dahil nagsasalita sa loob," narinig naming tatlo ang dalawang babae na nag-uusap na dumaan sa harapan namin. Ano raw? Ako nanay? Luh! Single pa ako uy. Akala yata nila na anak ko itong mga bata na ito at nag-aagawan kami sa pagbili o hindi ba nitong bear na pinag-agawan namin dahil wala kaming pera? Luh. "Ma'am? Bibilhin niyo po ba?" ngayon naman ay ang staff na ang nagtanong na makita na hindi pa rin kami makapagdecide. "Oo sana miss kaso ayaw ibigay ng mga bata sa akin. Gusto rin nila eh, kaso ako ang unang nakakita, gusto ko kasi ng ganito." saad ko at nag-puppy eyes pa para ibigay sa akin at halos hindi makapaniwala ang babae sa sinabi ko kaya napangiti pa siya, anong nakakatawa? Tinaasan ko siya ng kilay at nakita niya iyon kaya yumuko siya with apologetic face. "Sorry akala ko kasi, anak mo ma'am at nag-uusap pa kayo tungkol riyan." aniya. "I want this Miss, at ayaw namin na siya ang mauna, we saw it first, so dapat para iyan sa amin." "I got it because I saw it first, so ako na dapat ang may-ari." sambit ko pa, hindi pa rin ako nagpapatalo sa mga paslit na ito, saan kaya ang mga magulang ng mga bata na na iyan at pagala-gala dito sa mall na mag-isa. Ngumiti ang staff sa amin at tinuro ang bear na hawak namin, medyo ngumiwi pa siya na makita niya ito na halos wala nang kabuhay-buhay. "Babies, and ma'am, we have a lot of stocks na same pa rin niyan," ani ng staff sa mahinahon na boses kaya agad kong binitawan ang laruan para hindi mapunta sa akin at bago ang makuha ko, lupaypay na talaga ang bear eh. Patawad bear! "Take it, sa inyo na yan -" "Nope, sa 'yo na ito-" "Eh, gusto niyo yan eh, sa inyo na yan." Kanina halos ayaw naming bitawan ang teddy bear pero ngayon halos nandidiri na kami dahil ayaw na naming hawakan. Kawawa naman talaga. "Ma'am? Babies? Uhmmm... actually po, display lang po namin iyan at nasa stock room po ang mga dolls and lots of stuff toys-" natigil ang pakikiusap ng staff ng marinig namin ang pagtunog ng cellphone sa isa sa mga kambal. " Si daddy- " ani ng bata na si....wait...sino ba 'tong mga ito. Nakalimutan ko ang mga pangalan na binanggit nila kanina. Well, nevermind. "Isusumbong kita," nanlaki ang mata ko na tinuro ako ng bata na si twin one, iyan ang name ko sa kanya dahil nakalimutan ko ang pangalan at twin two naman ang naka-red na dress. "Ako? Anong kasalanan ko?" "Basta!" aba, may paikot pa ng mga mata, ang tataray naman ng mga ito. “See that?" I mouthed na sa sale lady kaya ngumiti siya sa sinabi ko. "Yes daddy," masayang wika nila pareho. Hindi ko alam kung makikinig ba ako sa kanila habang may kausap sa phone which is ang daddy nila o tatakas na lang dahil baka isusumbong pa ako at dahil diyan walang seremonya na umalis na ako sa tabi nila. "Sorry Miss, sa kanila nalang po iyang teddy bear, nakalimutan ko palang wala akong pera." "Pero-" "Narinig mong sinabi ng mga bata doon sa tumawag, daddy daw, sa amin sa probinsya kapag tumawag ka na daddy ay rich dad ka at poor ako kaya sila na lang magbabayad kung may sira man sa teddy bear na iyan." Nagmamadali kong sabi. "Yes daddy, nandito po-" namilog ang mga mata ko, ako ba ang tinutukoy ng mga batang iyan? Di na ako nagdadalawang-isip na umalis at kumarepas ng takbo para hindi ako mahuli, wala naman akong kasalanan kaya bakit ako hahabulin ng guard, pero buti nalang at wala naman. "Kamuntikan ka na Lingling." kausap ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD