CHAPTER 01

1005 Words
CHAPTER 01 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nakangiting lumabas si Lingling sa public restroom at pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Umikot pa siya para makita ang kabuuhan niya. "Ang ganda ko talaga-" sambit niya sa sarili niya. "Kung sino ang tumutol ay tatadyakan ko," dagdag niya pa habang palinga-linga siya sa loob ng cr dahil may apat pa na pinto ang nakasarado. Baka mamaya may gumamit rin ng kabilang cubicle at narinig siya. At nang matanto niya na wala naman kaya napabuntong hininga na lamang s'ya at ngumiti ulit sa salamin. Tama naman ako na maganda ako ah. Bakit sila lang ba? Sabi ni nanay na dapat maging proud ka sa sarili, ipagmalaki mo ang sarili mo. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ako o kailan magtatago. Ang mahalaga ngayon sa akin ay kasama ko si nanay. Hanggang nariyan siya ay alam ko na safe ako. Maging maayos din ang lahat pero sa ngayon, e-enjoy ko muna ang buhay ko na malaya. Nasa mall kasi ako ngayon at may bibilhin at nang may nakita siya na binebenta na damit sa eskinita bago pumasok sa mall ay bumili siya, bukod kasi na maganda ang design ng dress na bulaklakin na kulay light pink. Kaya ang saya-saya ng matandang babae na nasa 50 years old na dahil ako raw ang unang customer niya. At para makauwi na rin siya sa kanilang bahay ay tinulungan ko siyang magbenta at bago ko siya iniwan ay nakalahati ko na ang paninda niya na mga damit. At ang binili ko sa kanya ay ito, pinalabhan ko agad sa laundry shop na nakita ko at dahil may dryer naman kaya madaling matuyo ang dress lalo at hindi naman kakapalan ang tela niya. Sinuot ko na dahil feel ko na masikip pala sa bewang ko ang suot ko na pants. Halos hindi ako makahinga. Tumaba na yata ako, well, I don't care, masarap naman lumamon ng lumamon. Pagkatapos kong pagmasdan ang sarili ko sa salamin ay naglagay na rin ako ng konting makeup sa mukha ko. At nang makontento na sa sarili ay lumabas na ako ng banyo at agad nagtungo sa grocery store. Yes, hindi naman ako mamasyal sa malayo kundi dito lang sa grocery area at baka konting silip lang din sa ibang stall kung di ako mapagod kakaikot. Madali pa naman akong mapagod. Wala na kasing supply na pagkain sa cabinet sa unit kaya kailangan kong bumili. Hindi ko na isinama si nanay dahil may ginagawa siya sa bahay. Kaya ko naman at may budget pa ako na pera sa wallet ko. Gusto ko ring maging independent woman at paunti-unti ay ginagawa ko na. Malaki na ako, nasa point na ako ng buhay na hindi lahat ng bagay ay inaasa ko palagi kay nanay. Hindi naman ako disable para hindi kumilos, mas nakakaproud pa nga ang may kapansanan dahil nagagawa nila ang mga bagay na akala ay imposible. Masaya ako habang namimili, umabot lang ata ako ng ilang minuto bago natapos, kung ano kasi ang nakikita na binibili ni nanay kapag siya ang naggo-grocery ay iyon din naman ang binibili ko. Akala ko noong una, hindi ko kaya, kalaunan ay natuto na rin. Hindi naman lahat ng bagay o trabaho ay alam kong gawin pero kung natutunan naman ng dahan-dahan ay napapangiti ka nalang sa sarili mo na my na achieved ka na isang bagay. "Thank you for shopping ma'am, come again." "Thank you din," ani ko sa cashier. "Ang ganda nyo po ma'am," see, tama ka nga Lingling, ang ganda mo. Gustong tumaas ng kanang kilay ko dahil sa sinabi ng babae pero pinigilan ko ang kilig kaya ngumiti ako sa kanya. "Thank you po, Ikaw rin po." dagdag ko dahil totoo naman na maganda siya, iba-iba tayo ng ganda and for me maganda lahat. Sa ugali ako bumabasi ng kapangitan. Hanggang sa natapos na rin ako sa grocery store at dahil may oras pa, iniwan ko muna ang mga pinamili ko kanina sa baggage counter bago ako bumalik sa condo unit hindi kalayuan dito sa mall. Naglalakad ako pagtingin-tingin sa mga stall, baka bibili na rin ako ng uulamin namin ni nanay para sa tanghalian,, para hindi na siya magluluto. Hanggang sa may namataan ako na mga children toys na boutique, biglang may naalala kasi ako na pagbibigyan ko ng laruan kaya dali-daling akong pumasok sa loob. "Good morning ganda!" Pinigilan ko na talagang mangisay sa kilig. Ang swerte ko yata sa suot ko na dress ngayon dahil napapansin nila ako. We're….for sure binubula lang naman ako ng mga ito, business is business kailangan mong gawin pero malay natin kung tama pala ang sinabi niya. Nginitian ko ang nagsabi sa akin na maganda at nag-thank you bago ko sila ewan sa tapat ng pinto na glass sa boutique nila. "Hala! para siyang manika-" oh, ako pa rin ba ang pinaparinggan niya? Hindi na ako lumingonnat baka ma disappoint lang ako kahit marami namang nagsasabi sa akin ng ganyan. "Ano po ang hanap ma'am? Toys for your kids po?" tanong ng isang sales lady sa akin na makita akong may hinahanap. At nang makita ko na ang stall ng mga toys lalo ang barbie doll at teddy bear ay itinuro ko nalang sa kanya gamit ang daliri at naglakad patungo sa area. Ngumiti lang siya at hinayaan ako dahil sinabi ko na titingin na muna ako. Baka kasi panay sunod siya sa akin at wala akong mapili dahil na didistract ako na may nakasunod sa akin. Naghahanap ako ng magandang i-regalo at napangiti ako na makita ang isang pink teddy bear at nag-iisa lamang ito ng kulay at ang ganda pa at medyo may kalakihan. Parang sa isang iglap ay bumalik sa akin ang pagiging bata na mahilig sa toys at barbie dolls. Yumuko ako ng bahagya para kunin ko ang stuff toy na may kamay na maliit na kumuha rin dito. "This is mine-" biglang umusok ang tenga ko dahil sa narinig. At sino ang umaangkin sa isang bagay na ako na ang may-ari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD