CHAPTER 05

1266 Words
CHAPTER 05 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Miss, may hiring po kayo?” tanong ko sa babae bago ako talikuran. “Yes Miss, anong position po?” "Ahmmm, kung ano po ang available Miss, susubukan ko po.” sagot ko sa kanya. "Ok Miss, may hiring po sa 23 meron din sa room 30,” malayo ang isa, kaya uunhan ko muna ang malapit sa akin. “Sige Miss, saan po ako dadaan? Nakakalito po kasi eh.” Tanong sabay kamot ng ulo, ang daming kwarto kaya malilito ka talaga. “Diretso ka lang po diyan, lumiko ka sa left side at and magbilang po kayo ng limang kwarto sa right side, sa right side mismo, nariyan po ang room 23, may nakapila pa naman po, kung wala nang tao sa labas ay baka last interviewer na kaya pasok lang po kayo Miss.” saad nito. "Sige Miss, thank you.” "Alright po good luck!” masayang wika nito bago ako iwan dahil may pinapautos pa sa kanya ang head. Napanguso pa ako dahil nakalimutan ko nga palang itanong kung sino ang pangalan ng staff nila kanina na lalaki na naiinis lang sa akin na pinagkamalan ko siyang bold star. At bakit ko ba nasabi iyon? Kusa lang lumabas sa bibig ko, gano'n? Hay naku na lang Lingling. Sinunod ko ang instruction ng staff kanina, mabuti pa siya mabait sa akin. Nasaan na rin kaya ang lalaki na kasabayan namin kanina? At bakit ko nga ba sila hinahanap? Pero sabagay, mabuti nalang na dinala ako ng lalaki rito sa building na ito, atleast hindi na ako nahihirapan na makipag-usap sa guard at pumunta sa reception para magtanong sa receptionist. Lumiko ako sa sinabi ng babae at nakita ko nga na may nakapila pa. Agad akong nagtungo sa nakapila at pumila rin na mag-isa. “Nag-aapply rin po kayo?” Tanong ko sa kasunod ko na babae, lumingon siya sa akin at tumango. Nagpasalamat nalang ako at natahimik, dahil busy siya sa kanyang cellphone. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko na sling bag at tenext si nanay, gusto ko sanang tawagan siya kaso baka maingyan ang mga tao na narito na nagpa-practice din ng kanilang question and answer portion para mamaya sa interview nila. Nanay: Mamaya na po ako uuwi nay, nasa pila pa ako sa isang building na nakikita ko kapag pumupunta tayo sa mall, yung kulay gray na parang heart shape ang gawa ng building, mag-aapply palang ako ng trabaho. Text kita po kung natanggap ako. Wish me luck po, I love you. Then sent. May lumabas na babaeng nasa mid 30’s at naka office uniform, may tiningnan sa papel na hawak niya ngayon at tinawag mga applicants kaya kanya-kanya ng pasok ang iba sa loob at sa kasamaang palad hindi pa ako kasali. Narinig ko na tumunog na ang tiyan ko, ngayon pa talaga ako nakaramdam ng gutom na nasa loob na ako ng building. Hays, naku nalang talaga. O kay malas ko naman yata, noong isang araw pa ito, hindi kaya malas ako sa lalaki kanina? Pangalawang beses ko na siyang nakita, so ibig sabihin, naging malas ako dahil sa kanya. “Mag-aapply ka rin ba Miss?" bigla akong tumayo na may nagsalita sa harapan ko. “Ha? Ay oo miss kung meron pa pong available or wala pa kayong napili sa mga nauna….sana wala pa at baka ako na nga ang hinahanap niyo.” saad ko with smiling face. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Mas lalo akong tumayo ng matuwid para ipakita sa kanya na pwede akong pang model sa tangkad kong ito. "Nasa one hundred applicants lang ang kailangan namin at lampas kana so-” huminto ito sa pagsasalita na marinig na may tumawag sa kanya sa loob. Agad siyang pumasok at ako naman ay bagsak balikat na napa upo muli sa silya na bakal na nakalagay sa labas ng room 23. “Ganito pala ang pakiramdam na palaging rejected sa trabaho, wala sa ganda o ayos, kung hindi para sa akin ay hindi talaga para sa akin, saklap naman. Tatayo na sana ako para umalis nalang at umuwi, baka tama nga si nanay, baka hindi pa ako handa kaya ang tadhana na ang umayaw sa akin. "Miss? Aalis ka na?" nilingon ko ang nagsalita, palinga-linga muna ako sa paligid at baka hindi naman ako ang kinakausap niya. “Ako po?" panigurado ko. “Wala ng ibang tao rito sa labas bukod sa'yo at sa akin so yeah, I'm talking to you.” pilosopo niya pang sambit. Nginitian ko nalang para hindi ako malasin kung papatulan ko pa. “Oo sana Miss dahil sabi niyo kanina na one hundred lang ang tinatanggap niyo.” "Well, kanina iyon Miss, but we confirm that he changed his mind, so, come with me.” "W-where po?” "In his office…” Hala! Office agad and his? Patay, baka masungit na lalaki ang mag-interview sa akin, pero dahil gusto ko ito kaya ito ako at nakasunod pa rin sa babae. “We're here." turo niya sa isang pinto. “Ah, o-okay." “Wait," Pumasok siya sa loob pagkatapos nitong kumatok sa pinto na kulay gray at naiwan lang muna ako sa labas habang hawak ang aking folder na may laman na biodata, tinulungan ako ni nanay sa mga ito, at dahil sanay na sanay na siya ay madali lang sa akin na makahanap ng mga possible requirements sa isang company. “Pasok kana Miss." bigla naman akong nagulat na agad siyang lumabas sa pinto. “I'm sorry…nagulat ka tuloy, pasok ka na Miss and Mr. Callisto is waiting for you inside his office." dito ako mag-interview? With Mr. Callisto? "Sige Miss, uhmm…thank you." saad ko at halos itulak niya pa ako papasok sa loob. “Wait-" “Close the door-" natigilan ako sa paglabas ng pinto na may narinig na naman ako na familiar na boses. “I said close the door.” lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko na siya na naman ang nakita ko. “You again -" turo ko sa kanya. Siya nga…hindi ako nagkakamali. “Yeah…me again. So, why are you here in my building?” building? in my building? The heck. “Ikaw po ba ang may-ari ng building na ito?" “Exactly!’’ aniya habang nakaupo sa kanyang office chair habang ang kanang kamay ay nasa ibabaw ng table at panay tap ang kanyang daliri habang nakatingin sa akin. "Whoa…ba-bakit hindi niyo po sinabi?” "For what? Para bawiin mo ang sinabi mo na isa akong bold star?” naalala niya pa rin iyon? “Hindi naman, kasi question naman po ang sinabi ko, pero kung di naman totoo then sabihin niyo lang po sa akin.” sige pa Lingling ipagtanggol mo pa ang sarili mo. "What if…sabihin ko na tama ka," napanganga nalang ako sa sinabi niya. So, confirm nga. “Now, are you scared now?" ang bilis kong umiling. “Hindi naman, mas nakakatakot po yata kapag sinabi mo na killer ka, di ba?” natawa siya sa sinabi ko. Tama naman ano, di ba? Magsasalita pa sana ako pero na tahimik na lang dahil baka ano ang masabi ko. “So, you are here for what?" Siya ang unang bumasag ng aming katahimikan. Binigay ko sa kanya ang biodata at ibang requirements, ayon sa habilin ng staff sa akin at sasagutin ko nalang ang mga katanungan niya kung may tanong pa. Wala pa akong experience sa trabaho dahil first time ko, pero madali lang naman akong matuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD