CHAPTER 04
Yaya Lingling and the Billionaire's twin
Kahapon linggo ay naghahanap ako ng trabaho through online kaso di ko nagustuhan ang nakita ko. Kaya ngayon na lunes ay agad akong nagpaalam kay nanay at tulad sa nakikita ko sa iba, the way sila na mag-apply ng trabaho na kung saan pinupuntahan pa talaga nila ang building o kumpanya na may wanted na nakalagay, kaya ganito ang ginagawa ko. Maghahanap ng trabaho.
Marami akong napag-tanungan, ngunit wala siyang magustuhan. Narinig ko na tumutunog ang cellphone ko na nilagay sa bag kaya agad itong kinuha at nakita ko ang pangalan ni nanay.
“Hello nay!" masayang wika ko.
“Ano, nakahanap kana ba?"
“Wala pa po nay eh."
“Kung ganoon, umuwi ka na lang kaya anak! Ako ang malilintikan sa ‘yo, saan ka na ba at ipapasundo nalang kita diyan ng taxi.”
“Nanay! Huwag na po, paano ako maging independent nito kung hindi ko po susubukan. Dito lang naman ako nag-iikot sa may Pasig nay kaya huwag kang mag-alala.”
"Nakung bata ka, kahit dalaga kana responsibilad pa rin kita kaya nagsisi nga ako na pinayagan kita kanina sa totoo lang pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil kako kamo na gusto mong maging independent." aww, naiiyak naman ako sa pag-aalala ni nanay sa akin. Kaya nangako ako sa kanya na uuwi ako na natanggap na sa trabaho and of course buhay pa rin ako na uuwi mamaya, alangan naman.
Tatlong building na ang napuntahan ko and it's either hindi ko nagustuhan o full na sila or di kaya hindi maganda ang offer.
Bumili muna ako ng tubig sa isang store at habang palinga-linga sa paligid ay namataan ko ang isang malaking building sa harapan ko.
“Sila kaya? Hiring?" wala sa sarili ko na tanong.
Wala akong sinayang na oras at nagmamadaling naglakad patungo sa kabilang kanto. Kulay red pa ang signal light para sa sasakyan at naka green light pa ang para sa pedestrian lane. Dahil takot akong tumawid pero nilalabanan ko ang sarili ko. Patakbo akong naglakad patungo sa building para naman makahabol pa sa mga tumatawid at laking pasalamat ko na safe naman akong nakarating sa kabilang kanto.
Dali-dali akong nagtungo sa malaking building na nakita ko kanina habang nasa kabilang kanto ako. Pinagmasdan ko muna ito sa labas at naaaliw na makita ang paligid. Mas malaki ito kesa sa tatlong building na pinuntahan ko. Kulay gray ang kulay sa labas, ang alam ko na mahilig sa ganyang kulay ay lalaki eh kaya baka nga, lalaki ang may-ari nitong building ngayon.
Malaki ang hakbang ko at naghahanda sa sa matamis ko na ngiti at nagtungo sa mga guard na nagbabantay sa entrance.
Nakafocus lang ako na makarating sa harapan ni kuya guard pero kamuntikan na akong madapa na ma bundol ako sa isang matigas na bato…I mean….matigas na dibdib. Again? Dali-dali akong umalis kung kanino man tong dibdib at tumingala para humingi ng sorry.
“Sor-" what the heck. “You!" turo ko sa lalaki, “ikaw na naman?" Nakakunot ang noo nitong nakayuko sa akin habang tinuturo ko siya.
"Me? How about me? Do I know you?" Shocks! Kinilabutan ako sa malamig niya na boses, talagang boses niya iyan.
Agad kong binawi ang kamay ko na nakaturo sa kanya.
“Do I know you? Or maybe,some of my flings?" pinagsasabi nito.
“Hindi no, flings ka diyan. Never akong makipag-fling sa isang gurang na katulad mo, no! Sa ele– I mean, ngayon lang tayo nagkita, pero parang nakita lang kita somewhere, ah, dati kabang bold star?” narinig kong tumawa ang kasamahan niya at sa ibang nakakarinig, shocks talaga, ano ba itong pinagsasabi ko?
“Excuse me? What did you say?”
"Ha? Bakit, ano ba ang sinabi ko?" Pagtataray kong saad sa kanya. Ewan ko ba, nakita ko siyang ulit, kumukulo bigla ang dugo ko, hindi niya ba ako nakilala? Pero di ba dapat, magpasalamat pa ako na hindi niya ako namumukhaan? Gosh Lingling, ano na naman tong eskandalo na pinasukan mo?
“Bold? Paano mo nasabi na dati siyang bold star, Miss?” tanong ng isang kasamahan niya na kulay blue ang mata. Marunong mag-tagalog ha, infairness, pero maririnig ko pa rin ang ibang accent.
Bumaling ako sa kanya at matamis na ngumiti. "Sa katawan niya at mukha po, parang may kahawig siya na bold star or baka ikaw nga ikjskllam…” turo ko pero gagi biglang ba naman tinakpan ang bibig ko.
"Come to my office and I'll show you how bold I am!”
"What? No way!"
“You're talking nonsense, sa office ka magpaliwanag." Oh my gosh, tawagan ko na ba si nanay at humingi ng tulong sa kanya?
“Wait! What?" wala na akong magawa na bigla niyang hinatak ang pulsuhan ko at nagpadala nalang ako sa kanya kesa naman maputol pa itong isang kamay ko. Medyo nasasaktan ako sa hawak niya. Bumaling ako sa kasama niya pero nakangiti lang itong nakasunod sa amin.
I mouthed him help pero nakita ko lang sa bibig niya ang salitang ‘ayos lang yan’. “Wag kang mag-alala, hindi iyan nangangagat." sambit niya pero hindi ako kumbinsido.
Pinigilan ko ang lalaki. "Hey, I'm sorry. Kung hindi totoo then sorry.” saad ko pero deadma lang ang gurang at mariin pa ring nakahawak sa pulsuhan ko.
Pumasok kami sa elevator na hindi tinanggal ang kamay niya. Nakasunod pa rin ang lalaki sa amin habang nakapamulsa at sumisipol.
Sumara ang pinto at mariin ang titig ko sa lalaki. Dahil malaki siya kaya nakatingala ako sa kanya at nang bigla niyang niyuko ang ulo niya sa akin. “Isusumbong kita sa may-ari ng building na ito?” tinaasan niya ako ng kilay and ngumisi. At napa-ubo naman ang kasama namin na lalaki.
"Magsusumbong ka?" tanong ng lalaki sa akin.
“Aha! Magsusumbong ako sa may-ari ng building na ito, na kinaladkad niyo ako. Friend mo siya di ba at saksi ka kung paano niya ako dinala kasama niya. Kaya kayong dalawa ang isusumbong ko."
"Bakit ako kasama?”
"Eh sa sumama ka -” humahalakhak ito ng tawa.
"Hanep pare, sana kunin mo I mean.. siya ni boss, ganyang palaban ang kailangan sa kumpanya na ito, di ba?” saad ng lalaki at humahalakhak na naman ng tawa. Anong nakakatawa?
“Tsk, hindi ito tatagal kung ganito ang kukunin sa kumpanya."
“Oh, sinong nagsabi?"
“Ako dahil ako ang may-a–"
“We're here," putol na naman ng lalaki sa 'akin. Lumabas kami ng elevator na hawak pa rin ako sa pulsuhan, mabuti nalang at hindi mabigat ang kamay nito ngayon at baka masaktan ako sa paghawak niya.
Pinilit kong kunin ang kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan, kung may gagawin ka talaga na masama sa akin, sisipain ko talaga ang bayag mo, loko ka.
“Wait- wait….saan nyo ba ako dadalhin? Baka idemanda kita ng ano…harassment.” natawa ang lalaking na may hawak sa akin. Hindi niya talaga ako namumukhaan ha.
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya ng bigla itong huminto sa paglalakad at bumaling sa akin kaya halos napaatras ako habang napayuko ang aking mukha para hindi lang mag-abot ang mata namin. “Baka gusto mong idemanda rin kita.”
"What? At bakit? Anong kasalanan ko?” maang-maangan ko.
"Anong sinabi mo kanina sa lobby? Isa akong dating bold star? Nasa mukha ko ba ang pagiging porn?”
Napakurap ako sa sinabi niya at para hindi mahiya ay ngumiti ako pero hindi abot hanggang tenga. Trabaho ang pinunta ko, bakit kamalasan na naman ang natanggap ko.
“Y-yeah…para kang porn star, are you? Nagtatanong lang ha. Baka akala mo, direct to the point agad ang sinabi ko, so hindi mo pa rin ako makasuhan dahil nagtatanong lang-”
"Really?”
"I…i guess so-,”
“Mr. Callisto!!" huminto kami sa pag-uusap na may tumawag na boss at hindi naman lumingon ang lalaki na nasa harapan ko, marahil ay hindi siya ang tinawag. “May mga applicants na po ang naghihintay sa room 23.” ani ng boses ng babae.
"Sige, pupunta na ako.” bigla itong tumayo ng matuwid at walang pasabi na umalis sa harapan ko, wala man lang paalam, baliw iyon, siya pala ang tinutukoy,lumingon ako sa babae na nagsalita kanina at ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya. Napalinga pa ako sa paligid at wala na rin ang kasama na lalaki na bigla nalang nang-iwan sa akin pagkatapos akong kinaladkad dito sa floor na ito.