CHAPTER 03

1543 Words
CHAPTER 03 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nakahinga nalang ako ng maluwag habang hinihingal na tumigil sa tapat ng elevator at hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito, mabuti nalang nakaalis na ako sa mga bata na iyon at nasa kamay ko na ang pinanggrocery ko kanina na iniwan sa bagger area. Bitbit ang mg supot at pagbukas ng pinto ng elevator ay agad akong pumasok dahil wala namang tao pagsilip ko ngunit halos mapasigaw nalang ako bigla na may biglang sumulpot palabas na nanggaling sa gilid na katapat ng number kaya nabitawan ko ang dalawang supot. Nagkabungguan pa kasi kami sa mismong tapat na nakabukas na pinto, tumama ang noo ko sa matigas niya na dibdib? "What the hell?" halos isigaw niya, baliw to. Umikot ang itim ko na mata dahil boses palang naiirita na ako. Nasa loob na ako ng elevator at siya naman ay nasa labas, may kausap yata sa phone. At nang nagkatinginan kami ay biglang luminaw ang mata ko dahil bigla siyang gumagwapo sa paningin ko. "Will you stop staring at me and get your things here!" Kunot-noo naman akong nakatingin sa kanya at napasinghap nalang ako dahil sa malamig na boses niya. Luh! Ayos lang siya? Anong things? Nilingon ko ang tinutukoy niya na nalaglag ko raw at nanlamig bigla ang batok ko na makita ang lumabas sa supot, yong napkin ko…holy cow. San Pedro, higupin niyo na po ako sa lupa. Now na… Pero hindi ko pinapahalata na sobrang nahihiya na ako. Inirapan ko lang siya at nagmamadaling yumuko habang ang isang paa niya ay nakalagay sa pinto ng elevator para hindi ito sumara. May isang pack kasi na napkin na nasa gitna mismo ng elevator at ang iba ay nasa labas at meron pa sa mismong tapat ng paa ng lalaki, hays minamalas yata ako ngayong araw. Kanina yong mga kambal, tapos ngayon, ang halimaw na ito. "Ok na," ani ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng elevator. Umabot ng limang segundo na hindi niya pa rin sinarado ang pinto dahil nakaharang pa ang kanyang paa. "What? I said, ok na. Will you please, step out now." saad ko pa na medyo pagalit at mas lalo lang nagsalubong ang dalawang kilay niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay gamit ang aking kaliwa habang nagtatanong ang mga mata kung bakit ganyan siya makatingin. "Iyan ba ang turo ng mga magulang mo sa 'yo?” " What?" Pinagsasabi nito. Naiinis na ako sa kanya, ang bigat pa naman ng supot na dala ko, gusto ko mang magreklamo pero hindi pwede dahil kagustuhan ko rin ito. "Yes baby ...I'll be there in a bit." akala ko ako na ang tinatawag niya na baby, sa kabilang linya pala. Umirap ulit ako at pinindot na ang button ng elevator para makalabas na sa mall na ito. Bahala siya kung maipit ang paa niya o sapatos. Pagod na rin ako sa kakaikot at makipag-agawan sa dalawang paslit kanina. Tapos ngayon, dagdagan pa nitong...gwapo sana kaso suplado naman, tse...sawa na ako sa ganyang mga mukha. "Thank you huh," bigla niyang nasabi sa harapan ko bago siya lumabas ng elevator at natulala ako ng ilang segundo at bago pa magsara ang pinto ay may pahabol pa ako. "You're welcome boss!" sigaw ko pero hindi na siya lumingon pa sa akin dahil may kausap pa rin siya sa phone. "Ang sungit mo naman boss!" kausap ko sa sarili ko. Nakakainis, sa lahat na pinamili ko ay ito pa talagang sanitary napkin ang nalaglag, nagkalat pa talaga sa harapan ng lalaki kung sino man iyon. "Ano nangyari sa 'yo at ganyan ang hitsura mo?" Tanong ni nanay pagdating ko ng condo unit. Tinulungan niya ako na ilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga pinamili ko na nasa supot. "Eh, paano kasi nanay, alam mo, ang malas ko yata kanina sa mall." sabi ko sabay nguso at kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso para uminom, pakiramdam ko kasi nawalan ako ng tubig sa katawan pagkatapos sa nangyari kanina. "May kaaway ka? Sino at ipa-barangay natin." Natawa naman ako sa ipa-barangay. Mga bata pa iyon para gawin ko ang bagay na iyan at yong lalaki kanina, eh iyon lang naman ang sinapit ko sa kanya. Napahiya ako sa harapan niya mismo. But wait, normal lang naman na bumili ng napkin ah, pero s**t talaga , nakakahiya talaga ang nangyari, imagine sa dinami-rami na binili ko ay iyon pa pala talaga ang nahulog sa supot. "Wala naman po, may nakapag-bardagulan lang po ako na mga bata, bibili sana ako ng teddy bear nanay para ibigay sa anak ng guard, yong batang maliit na kasama lagi ng lady guard sa baba?" " Oh, iyon, si Tisay, nasaan na? Bakit parang wala dito sa plastic, binigay mo na ba?" umiling ako sa sinabi ni nanay. "Kaya nga, hindi nalang ako bumili dahil nakipag-agawan pa ako sa dalawang bata kanina, ako ang kumuha, gusto rin nila. Nagbabangayan pa kami." "Iyan lang naman pala, ikaw ha, ayan ka na naman, nakikipag-away ka na naman sa mga bata. Hayaan mo nalang sila,” "Pero nanay-” "Anak, ang sabi ko di ba? Maging mahinahon ka sa lahat ng oras. Huwag mong sinasanay ang sarili mo na maging malupit sa mga bata.” mas lalo akong napanguso sa sinabi ni nanay. “Hindi naman nanay, sila lang po ang makulit. But don't worry, sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na po pinilit pa na bilhin ang stuff toy na iyon, sa kanila na iyon at bibili nalang ako ng iba.” saad ko para hindi na ako ma sermonan ni nanay. Pagkatapos kong tulungan si nanay na ilagay ang mga pinamili ko na stock na pagkain at can food sa unit ay kinuha ko ang isang supot na may laman ng pang-hygiene at nagpaalam na muna na papasok sa kwarto para ilagay ko sa loob at maligo na muna bago kami kumain. Nilagay ko ang bag at ang plastic na bitbit sa ibabaw ng kama at nang mahagip ko na naman ang plastic ay bigla ko na namang naalala ang lalaki kanina sa elevator. Hays! May baby na siya, so hindi na pala siya single. May girlfriend na pala iyon dahil sa baby ang tawag niya. Ang sweet naman nila, ginawa pang baby ang girlfriend. “Wait a minute, paki ko ba kung may girlfriend na siya o kahit asawa at bakit ba, last na iyon na magkikita pa ang landas namin, no! Parang nahulog lang ang napkin ay ganito na ako nainis,” Kausap ko sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi maalis-alis sa isip ko na nakita niya ang nahulog kanina. Ano kaya ang nasa isip niya, normal lang naman, di ba? Hays. Pero, infairness ang gwapo niya. Ang tangos ng ilong at hot niya sa polo na damit. At bakit mo siya iniisip Lingling? “Gosh! Maligo na nga lang.” halos patili kong sabi kasabay sa bunot ng aking buhok, hindi ko talaga alam kung anong hitsura ko kanina. Kaya siguro, galit na galit siya. And speaking of mga bata kanina. Isa rin sila sa sumira ng araw ko, hays, kung hindi lang mga cute iyon ay baka napaaway pa ako lalo. Pupunta kaya ako ng bar mamaya? Ang sarap uminom, kaso wala akong kasama. Bahala na nga, susubukan ko na lang magpaalam kay nanay mamaya, sana payagan ako. Naligo ako at agad lumabas ng kwarto pagkatapos kong magbihis ng bagong damit. “Halika anak at kumain na." " Opo may!” "Kumain ka ng marami para hindi mo na maisip ang nangyari kanina.” "Nanay-” "Hmmm…" “Pwede po ba ako pumunta ng bar mamaya?" “Bar? Iinom ka? Ano ba ang habilin sa iyo, baka nakalimutan mo?" bumaba ang nguso ko dahil sa sinabi ni nanay. "Kasi nanay-" “Huwag matigas ang ulo, okay!? Gusto mo bang uuwi kita sa probinsya?" agad akong umiling. "Ayoko po, dito lang muna ako, mababait ang mga tao dito kaya nanay hindi na po ako magba-bar.” mabilis kong sabi na hindi na nagdadalawang-isip at nag-sandok agad ng ulam para kumain. “Good!" “Pero nanay, kailangan ko pong maghanap ng trabaho sa lunes nay, konti nalang po ang budget ko." napalingon siya sa akin at may pagkamangha akong nakikita sa kanyang mga mata. “Tama ba ang narinig ko? Ano ba ang trabaho ang hahanapin mo o gusto mo? Aba! Ibang-iba na talaga ang nakilala ko na Lingling." mag-isip isip ako kung ano nga ba ang hinahanap ko na trabaho. “Kahit ano nay basta malaki magpasahod.” “Aba! Hindi dapat iyan ang isipin mo kundi basta mabait ang boss at mga tao na kasama mo sa trabaho. Ang sahod tataas lang yan kapag masipag ka, pero una mong tingnan at ihangad ay ang magandang community. Kaya di ba? Tingnan mo…” "Sa bahay nanay kaya gusto ko pong simulan na at tingnan kung saan ang kaya ko.” "Sige, ikaw ang bahala, basta mag-iingat ka ha. Ang lagi kong sinasabi sa iyo, alam mo naman nasa siyudad ka at wala sa probinsya.” "Opo nanay-” nagkatinginan kami ni nanay at muli siyang umiling kaya tinawanan ko nalang. Ginusto ko ang lahat na ito kaya kailangan kong panindigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD