CHAPTER 06
Yaya Lingling and the Billionaire's twin
Umabot ng ilang minuto na tinititigan niya ang biodata ko. Hindi ko akalain na ganyan pala siya kabusisi sa mga papasok na trabaho sa kanya. Naninigurado at baka hindi tama ang nakalagay?
Nakahanda ang matamis ko na ngiti at hindi na ito binago pa, habang nakatayo lang ako at nakaupo siya sa kanyang swivel chair. Medyo nangangalay na ang mga paa ko pero titiisin ko nalang lalo at hindi naman siya nagsabi na umupo ako.
Ang damot naman ng upuan nito.
Hindi ko naman akalain na ganito pala katagal.
Tumingala siya sa akin at timing na nakangiti pa rin ako, kamuntikan ko na sana isarado ang bibig ko at baka may langaw na pumasok o di kaya lamok, wait meron ba iyan sa kanyang office? Wala naman siguro.
“Lingling Montaño? Are you related to someone else?"
“Po?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. "Uhmm…no po…I mean…si nanay ko lang po, ang kasama ko sa condo unit." related ko naman si nanay ah, tinitigan niya ako sa mata at tumango bago binalik ang tingin sa bio data ko.
Maya-maya ay natapos na rin siya sa kakatitig sa picture ko i mean sa buong laman ng biodata. Iniwan niya ito sa lamesa at sumandal sa kanyang office chair habang ang isang kamay ay nakapatong sa lamesa at naka-tap na naman habang nakatitig sa akin. Dahil nakatiklop ang long sleeve niya hanggang siko ay kitang kita ko ang mga ugat nito sa kamay, ang haba pa ng daliri, kalahati lang ata ang haba ng daliri ko sa kanya.
At bakit ko iniisip ang daliri niya? Yuck.
“There’s only one question I need to ask you, Miss Montaño and that is…. Why do you need this job? I don't need a long explanation, all I want is the short reason why you want to work with us. ” hay salamat, ibang-iba itong tanong niya at madali kesa sa mga nauna kong ina-applyan na trabaho.
“Uhmm…I don't have enough money that's why I need to find a job, sir.” sabi ko sa kanya.
“Then, why should we hire you? Based on your biodata…no experience in any job because you had just finished studying, right?”
“Yes sir.”
"Pero isa sa requirements namin ay ganyan ang hinihingi,” hindi ko alam kung ano ang isasagot.
“I am a fast learner sir, and-"
“Stop."
“Po?"
“I said stop explaining, Miss Montaño.” tumahimik ako dahil sa sinabi niya. Akala ko nga pagkatapos niya akong pinahinto sa pagsasalita ay palalayasin na ako pero marami pa siyang tinanong sa akin about strength, weakness, everything na related sa trabaho pero pagkatapos ng lahat, nagsabi lang ito na tatawagan nalang ako via phone call kung tanggap na ba ako o hindi sa trabaho.
Bagsak ang balikat ko na naglalakad patungo sa pinto ng office para makalabas na.
“Wait, Miss Montaño-" narinig ko ang pagtigil niya sa akin. Huminto ako at binalingan siya pero laking gulat ko na nasa harapan ko na pala siya. Bakit wala man lang akong narinig na ingay na tumayo siya sa kanyang office chair or hindi ko nalang binigyan pansin kanina dahil sa iniisip na baka hindi nga ako tanggap.
Napaatras pa ako ng kaunti kaya kamuntikan pa ako ma out of balance at mabuti na lang na hawakan niya ang braso ko.
“Tha-thank you, namimigla kana lang po kasi eh. Kanina nandoon ka tapos ngayon, nariyan ka,” saad ko. Kung hindi lang ako naghahanap ng trabaho ngayon ay baka nasinghalan ko na ito o di kaya nasipa. “Ma-may kailangan pa po kayo?" tanong ko rito habang pinipilit ko ang sarili na maging normal ang boses but I failed.
I saw how he looked at me na para bang anytime ay kakainin niya ako habang buhay pa. My goodness… dati ba itong bampira?
“Mahilig ka ba sa bata?" Napakurap ako sa tanong niya, secretary or ibang position ang hinahanap ko sa kumpanya nila tapos ngayon?
Umiling ako habang iwinagayway ang aking kamay. “Hindi po sir." sagot ko. Medyo lumalayo ng kaunti sa kanya. Parang nanunuot na kasi sa ilong ko ang pabango niya at baka mamaya niyan ay hahanap-hanapin ko pa. Baka hindi ako makatulog nito mamayang gabi at kasalanan pa ng lalaki na ito.
“Sayang…mahilig pa naman ako sa bata.” Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.
“Edi…wow po…sir.” bagkos nasabi ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Nakita ko kung paano nagdilim ang kanyang mata, marahil sa sinabi ko. Tama naman ako ng sagot.
“I mean, wow at mahilig ka sa bata…ako kasi matanda ang hanap ko kung may pakakasalan man ako, ayoko ng bata, wanna know why? Dahil sakit sila sa ulo at baka mamaya ako pa ang maging kawawa dahil nag-alaga ako ng mas bata' pa sa akin tapos hindi naman responsible. Kung ganyan ang mapapangasawa ko ay magkakasakit lamang ako.” Paliwanag ko at nakita ko kung paano gumalaw ang gilid ng labi niya na para bang pinipigilan niya ang sarili na matawa.
At hindi na nga ako bumilang ng ilang segundo dahil tawang-tawa na talaga siya. Kaya nakasimangot ako, sa inis ko ay tinalikuran ko siya at pumunta sa pinto. Bago ko sinarado ay nakasimangot akong binalingan ang may-ari pala ng building na ito.
“Baliw!" sigaw ko at walang pakialam kung may nakakarinig man kaya galit siyang huminto sa kakatawa at masamang tumingin sa akin. At bago niya pa ako maabutan ay kumarepas na ako ng takbo patungo sa elevator para makababa na at makalabas sa building na ito.
Nakakainis na talaga, parang minamalas nalang ako lagi kapag nagkikita ang landas naming dalawa.
Noon, sa elevator, ngayon naman dito sa kumpanya niya. Makauwi na nga lang at baka mabaliw ako sa naging kapalaran ko sa araw na ito. Lunes na lunes eh.
Bago ako sumakay ng taxi pauwi ng bahay ay pupunta na muna ako isang convenient store na nakita ko sa tapat ng building. Dahil sa nangyari sa loob ng kanyang office sa lalaking iyon ay uhaw na uhaw tuloy ako at kailangan ko ng tubig.
“Miss Montaño-" natigilan ako na may tumawag sa akin. At hindi lang iyan, familiar pa ang kanyang boses. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at tama nga ako, naglalakad ang lalaki patungo sa akin at bigla akong na takot dahil baka bigla kong huliin at ipapulis dahil sa pagtawag ko sa kanya na baliw. Kaya bago niya pa ako maabutan ay tumakbo na naman ako patungo sa pedestrian lane para makatawid sa kabila pero bago pa ako makarating sa dulo ng pedestrian lane ay may narinig akong parang bumangga at tili ng mga taong nakakita. At nang lingunin ko ay halos nanlamig ang kalamnan ko na makita kung sino ang nakabulagta sa kalsada.
“Ang lalaki-"