bc

The Black Zodiac Series 1: THE MAELSTROM (VIRGO)

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
dark
manipulative
drama
twisted
bxg
mystery
ambitious
first love
self discover
punishment
like
intro-logo
Blurb

Ibinenta si Romance ng mga Mafia sa isang isla kung saan ginagawa silang masunuring alipin at babaeng pang-aliw na mataas ang kalidad. Nang umedad siya nang dalawampu ay panahon na para ibenta siya sa isang underworld bidding. Ang gusto ni Romance ay makahanap nang lalaking magliligtas sa iba pa niyang mga kasama kahit pa nga ang dating niya ay sakripisyo na.

Pero ang nakakuha sa kanya ay isa raw walang-awang tao dahil ito ay miyembro nang Black Zodiac sa Underworld. Napakayaman daw nito at kahit ang mga Mafia Lord ay kinatatakutan ang lahat ng miyembro niyon. Pakiramdam ni Romance ganoong klase ng kayaman ang kailangan niya para mailigtas ang mga kasama. Wala na siyang pakialam kung baliw ang lalaking iyon katulad nang sinasabi rito, ang mahalaga sa kanya ay makuha ito sa kahit na anong paraan at maipasira ang lugar na sumira sa kanilang mga buhay.

Pero bakit ang lalaking iyon ang hinihingi sa kanya ay 'PANAGINIP?' pero nalaman niya rin ang dahilan, dahil ito pala ay may Aphantasia. Kung magagawa niyang mapanaginipan siya nito o maalala man lamang nito ang mukha niya sa pagpikit nito, ibibigay nito ang isang kahilingan niya. Iyon lamang, bakit imbis na ito yata ang managinip ay siya ang hindi makatulog sa tindi nang iniwanan nitong marka at pag-aari na ipinakilala sa kanyang katawan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
  Chapter 1   “Romance, huling araw mo na rito, binabati kita.” Ngumiti si Romance at tumungo sa harapan ng isang matandang babae. “Maraming salamat, mada’am Louela.” Sa malamig na silid na lahat ay kulay puti maging ang kasuotan ng dalawang babae na si Romance at Mada’am Louela, tila iyon lugar na walang bahid ng kasalanan. “Sumulat ka sa ‘kin kung ano ang lugar na magiging bago mong tahanan. Hindi ako mapapahiya sa iyo dahil nasisiguro kong kaya mong palitan maging ang sariling asawa ng lalaking bibili sa ‘yo.” Nangiit si Romance muli. “Maraming salamat, mada’am, hinding-hindi ko ipahihiya ang ating lugar.” Katuwaan ang makikita sa mukha ni Louella, isang ginang na edad animnapu. “Hindi mo na kailangan na magdala nang maraming kagamitan dahil dadamitan ka rin nila ayon sa gusto nila.” “Naiintindihan ko, mada’am, maraming salamat.” Hinatid ni Louella nang tingin ang isa sa matagumpay na pinalaki nila sa Isla kasama ang ibang kabataang katulad nito. Isa ito sa mga batang dinala sa kanila ng mga Mafia dahil ang magulang nito ay hindi nakabayad ng karampatang-halaga. Pinalaki nila ito bilang isang natatanging babaeng pang-aliw at kaugalian ng isang alipin. Nang naglalakad na si Romance sa pasilyong maging pintura’y puting-puti rin ay nangiti siya. “Makakalaya na rin ako sa lugar na ito. Ipinapangako ko sa sarili ko at sa lahat nang umalis dito na hindi ginusto ang buhay nila sa labas na babalik ako para tuluyang pabagsakin ang lugar na ito. Para magawa iyon kinakailangan kong isakripisyo ang sarili ko at makakuha nang lalaking karapat-dapat, isang napakayamang lalaking maaaring makagawa nang paraan para madurog na ang lugar na ito.” Pitong-taon si Romance nang maipagbili ng Mafia sa lugar. Isang bagong tayong relihiyon na may sampung taon pa lamang nang lumabas. Kababaihan lamang ang laman ng lugar at wala kahit isang lalaki. Isang kaaya-ayang Paraiso para sa iba na hindi nakakaalam nang kalakaran pagsapit nila sa labing-walong taong gulang. Sa pagkabata ay tinuturuan sila nitong magsalita, makisama, at maging matalino. Isang kahali-halinang alipin na maging ang tamang paggamit ng kubyertos ay alam. Sa edad na labing-dalawa ang pagiging alipin nila ay nagsisimula nang ituro sa kanila at itatak nang husto sa kanilang isipan. Naroon na ang mga istriktong guro na pinarurusahan sila kapag hindi sila naging masunurin. Pagtungtong nang labing-walo, gulang na naporma na ng mga ito ang utak nila pagiging isang taga-aliw ang kinakailangan nilang pag-aralan sa loob ng dalawang taon.  Pagkatapos no’n ay mayroon na ang mga itong isang magandang aliping mataas ang kalidad na pag-aagawan sa isang Underground bidding. Sa kanyang puting silid ay pinagmasdan ni Romance ang kanyang hitsura. Ang maputi niyang kulay at makinis na balat na inaalagaan nila ay sinasabing kaya nang sumilaw nang may malalaking salapi. Ang maganda niyang katawan ay hindi lamang siya ang nag-alaga maging ang mga matatandang naroon na binibilang ang pagkain at nutrisyon na maaari lamang nilang kainin. Maging sa pagtulog at paggising ay mayroon silang wastong oras. Ang kanyang mukha ay maliit lamang, sa katunayan ang nakaraan niya ay hindi na niya alam. Halos lahat sila roon ay wala nang nalalaman, maaaring isa ‘yong hipnotismo dahilan para makalimutan nila ang lahat. Maging ang pangalan, kaarawan, at edad ay hindi nila sigurado kung totoo. Ang mga mata niya’y magaganda, maging ang pilikmata niya’y mahahaba’t makakapal. Matangos ang kanyang ilong at maganda ang hugis ng labi na tila mahahawig sa hugis ng isang puso. Mayroon din siyang cleft-chin. Ayon sa mga nag-aalaga sa kanila siya ay maihahalintulad sa isang Diyosa. Natural namang wavy ang buhok niyang kulay tsokolate.  “Paglabas mo rito, hindi ka dapat maging mahina. Para saan pa at natagalan mo ang nakasusukang lugar na ito?” Nginitian niya ang sariling repleksiyon. “Kailangan masagip mo ang mga susunod pa sa ‘yo.”         ** “Isinusuka ka na nang pamilya mo, bakit hindi ka na lang manirahan sa ibang lugar?” Tiningnan ni Damon ang kaibigang nasa kanyang harapan. Itinaas niya ang binti sa babasaging mesa. Nangisi si Damon at nagsindi ng sigarilyo humithit siya bago bumuga. “Ano naman ang pakialam ko sa kanila? Wala. Kung hindi nila ako ituring na anak, o kamag-anak wala pa rin akong pakialam sa kanila. Mayaman ako, nagpapayaman, at mas marami na ang lumuluhod sa ‘kin ngayon dahil sa dami nang pera ko dahil ginagamit ko ito.” Itinuro nito ang ulo at ngising-ngisi. Napailing si Luigi sa tinuran nito. “Iyan ding utak mo ang dahilan bakit tinatawag ka nilang baliw.” Tumawa nang malakas si Damon at napatango saka muling humithit ng sigarilyo. “Ang nagsasabi no’n ay iyong nakatira lamang sa ibabaw ang alam. Hindi katulad ko na nagpabalik-balik na sa impiyerno para lamang matukoy ang tunay na kahalagahan ng buhay at kung ano ang mga dapat isakripisyo kung gusto mong makuha ang lahat-lahat para maging maligaya,” ngising-ngisi si Damon. “Hinding-hindi rin ako mamamatay hangga’t hindi ko nakikilala ang taong magbibigay sa ‘kin nang panaginip, kahit pa nga bangungot tatanggapin ko.” Napabuntong-hininga si Luigi. “Iyong kapag pumikit ako makikita ko ang mukha niya, hindi ang kadiliman.” Mayroon itong Aphantasia, ang sinasabi nito minsan ay sinasabi lamang nito base sa nababasa nito. Pero ang katotohanan, pag pumikit ito o hindi ito tumingin sa kanya ay hindi nito maaalala ang kanyang mukha. Kung ipapalarawan nino man ang kanyang hitsura sa kaibigan ay hindi nito ‘yon masisimulan. Totoo rin ang sinasabi nito, maging panaginip ay hindi ito nagkakaroon. Kapag ipinikit nito ang mga mata, kadiliman lamang ang kaya niyong ipakita sa kanya. “Kung may taong makapagbibigay sa ‘kin no’n, ibibigay ko lahat-lahat nang gusto niya. Isipin mo ‘yon, ang perang hinahangad nang marami ay hinihigaan ko lamang, habang ang panaginip na mayroon kahit ang taong walang makain sa araw-araw ay mayroon, iyon ang gustong-gusto ko naman.” Ibinaba ni Luigi ang isang imbitasyon sa harapan nito. “Isang Russian Mafia Lord ang nagbigay nito sa iyo. Sa lahat nang pagkakataon na may nagbigay nito sa iyo ay tinanggihan ko. Pero baka sa lugar na iyan mahanap mo ang magbibigay sa ‘yo nang bangungot na gusto mo.” Dinampot ni Damon ang imbitasyon at binasa ‘yon. “Isa ‘yang underworld bidding, tao ang ipinagbibili sa lugar na ‘yan. Hindi na ‘yan bago sa pandinig mo dahil sa Underworld ka nga nagpayaman nang husto. Pero dahil kasama moa ko sa lahat ng oras, nasisiguro kong hindi ka pa dumalo sa ganyang klase nang lugar. Kapag may nagustuhan ka at napili, ihahanda ko na ang lugar mo sa ibang bansa, isang malayong isla para doon ka muna mamalagi dahil inaalagaan ko rin ang kalusugan ng iyong ina na hindi ka gustong tingnan man lamang.” Nangisi si Damon. “Hmm, hindi ba ako magsasayang ng pera rito?” “Hindi ka nagsayang ng pera kahit isang kusing kung hindi mo gusto. Kaya ka nga yumaman nang husto dahil sa ugali mong ‘yon.” Natawa si Damon. “Kilalang-kilala mo talaga ako, ikaw ang pinakamagandang kaibigan at sekretarya para sa ‘kin, Luigi.” Napabuntong-hininga si Luigi at nangiti. “Ako lang naman ang tatagal sa iyo. Masaya na rin ako na alam mo ang pangalan ko.” Natawa si Damon sa huling sinabi ni Luigi.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

Daddy Granpa

read
205.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.5K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook