Hindi nakatulog si Clementine sa biyahe pauwi. Bagama’t napaka-comfortable ng first class ay hindi niya magawang makatulog man lang.
She thought of the time she said the meanest thing she could think of to her father. Nilingon niya ang paligid. Wala roon si Quentin dahil nasa economy ito. Hindi na siya nagdalawang isip na sumama rito dahil sa balita niya.
She said that it was better if Don Wilfredo is the one died than her mother but she doesn’t really mean it. Tumulo ang luha niya habang nakahiga at pinunasan iyon. She was so guilty to think that he's really sick.
It was a long trip. Nakasuot siya ngayon ng malaking aviator. That’s a good thing there’s no media here. Nakatungo siya at nagmamadali na hinila ang kaniyang maleta.
She saw their black car. Kinawayan siya ng matandang driver at tinulungan sa bagahe niya.
“Ma’am Tine, napakaganda niyo na po. Kamusta na?” tanong nito.
Naaalala nito ang matanda. Ito ang personal driver ng Daddy niya simula pa noon. She nodded and answered him.
“I’m okay po. Can we go now? I’m super tired and I wanna see Daddy.” sabi niya at pumasok na sa loob.
Sinandal niya ang ulo sa backseat. Hindi pa rin pumasok ang driver kaya ulit niyang binuksan ang bintana.
"Manong, I said can we go now?" tanong niya muli.
“Hihintayin ko lang Ma’am si Quentin. Palabas na din daw siya,” sagot ni Manong.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. She almost forgot na may kasama nga pala siya sa flight na iyon. To think of it, they never talk that much.
Ilang minuto pa ay lumabas na ito hila ang maliit na bagahe. Wavy ang buhok nito. Naka longsleeves na striped at faded pants at mukha itong modelo ng magazine.
She arched her brows at nag-iwas ng tingin. Binuksan muli ng driver ang trunk at nilagay doon ang gamit ni Quentin.
Binuksan muli ni Clementine ng bintana ng sasakyan at dinungaw ito.
“You sit beside the driver. I wanna be alone here.” sinabi niya ng direkta rito at sinara ang bintana ng sasakyan.
Walang imik na binuksan nito ang pintuan ng front seat. Pinagkrus ni Clementine ang kaniyang mga binti. Naramdaman niya ang init ng klima rito. She wore a knee length Valentino black leather boots and a Valentino wool coat.
She felt the sweat building up. Umikot ang driver sa unahan.
She removed her aviators and looked at Quentin’s serious face sa rear mirror.
“Hey, kuya.” tawag niya gamit ang maarteng boses.
Hindi nagulat ang mukha ni Quentin.
Cool itong bumaling mula sa pagtingin nito sa labas papunta sa rear-view mirror kung saan din siya nakatingin.
“Can you please put the AC to max? It’s kinda hot here. Thanks,” she said.
Walang imik na ginawa iyon ni Quentin. Matapos iyon ay bumuntong hininga si Clementine at sumandal na muli sa headrest. The driver went in. Nag-drive ito papaalis sa airport.
It will be another six hours to get to their mansion. Hindi namalayan ni Clementine na nakatulog na siya. She woke up when the car suddenly stopped.
“Where are we?” tanong niya at bumangon para tingnan kung nasaan sila.
May maliit na kubo sa gilid ng kalsada. Nasa gitna sila ng mga palayan. She read the sign on the hut.
“Eatery?” she asked.
“Yes, ma’am. Kakain muna tayo. Paniguradong nagutom kayo ni Quentin sa biyahe. Tanghalian na rin kasi. Tara po, Ma’am. Magbabanyo lang po ako,” sabi ng driver at patakbong umalis sa sasakyan.
Naiwan naman doon si Quentin. She was so hesitant to go out.
“Ano ang gusto mo? Ibibili kita.” sabi ni Quentin.
Halos magulat siya nang magsalita ito. She looked at him and shrugged.
“Kakain tayo diyan? Are you sure? Wala ba ritong fast food or something?” tanong niya sa binata.
Nilingon niya ang paligid. Kumunot ang noo ni Quentin sa kaniya.
“Wala noon dito, Miss. Nasa baryo na tayo. Malinis naman ang pagkain dito.” sabi ni Quentin.
She raised her eyebrows. Gutom na siya pero ayaw niyang kumain rito. It looks kind of unsanitary.
Plus, it’s in the middle of nowhere at marami ring kumakain doon.
“It looks unsanitary plus look at the people inside. I don’t know. I guess, you can eat if you want but I will say no.” she said and went back to sitting there.
"Ikaw ang bahala." sagot nito at bumuntong hininga si Quentin na para bang naiinis siya pero wala ring imik na binuksan ang pintuan at lumabas.
Sumunod ito kay Manong sa loob ng eatery.
Ilang minuto pa ay bumalik na ang mga ito. Nag-umpisa na ulit magmaneho ang driver.
She woke up again, feeling hungry. She looked at her watch and outside. Puro puno pa rin ang nakikita niya.
“How far pa ba, Manong?” tanong niya.
“Naku maam, malayo-layo pa. Isang probinsya pa, Ma’am bago tayo makarating sa bayan.” sagot ni Manong.
Nagkatinginan silang dalawa ni Quentin sa rear-view mirror. Nag-iwas siya ng tingin.
She’s so hungry. If she knew that the places nearing their house is not yet that developed sana ay nag-take-out na lang siya sa airport ng puwedeng makain.
Her stomach growled.
Nilingon siya ni Quentin.
Namula ang pisngi niya at nagkunwaring wala siyang narinig. Parang palagi na lang siyang napapahiya sa binata. Ilang minuto pa ay biglang nagsalita si Quentin.
“Manong Roel, itigil mo riyan sa bilihan ng prutas.” utos ni Quentin at lumabas.
Pinanood ni Clementine na lumapit ito roon at hinugot ang kaniyang wallet. May sinabi ito at maya-maya pa ay inabutan ng isang plastic na saging at mansanas noong tindera. Bumili rin ito ng tatlong tubig.
Pagkapasok ay marahang binato nito sa tabi niya ang plastic na may saging. Nakataas ang kaniyang kilay na bumaling dito.
“Excuse me? Did you just throw this at me?” tanong niya na halata ang inis.
Sa buong buhay niya wala pang ni isa ang nagtangkang batuhin siya. She’s so offended by his action.
“Kung kumain ka kanina sa eatery eh ‘di sana hindi ka nagugutom ngayon? Kainin mo ‘yang saging dahil wala rito ng mga pagkain na mayroon sa New York.” sabi ng binata.
Halos kumulo ang dugo niya rito.
“Did I say that I am hungry and you should buy something for me?” she shouted, “No, right?” galit na tanong pa niya rito.
Nakataas ang kilay ni Quentin na bumaling sa kaniya.
“Bahala ka sa buhay mo kung kakainin mo o hindi. Tatlong oras pa tayong nasa biyahe at wala kang makikitang sosyal na pagkain hanggang sa makarating ka sa inyo.” sabi ni Quentin.
Hindi siya sumagot at pinagkrus ang mga braso niya. She really hates him. Padabog na binuksan ni Clementine ang plastic pero tanging ang tubig lamang ang kinuha niya. She drank the whole bottle then focused herself into her phone pero wala ni isang bar ng signal doon.
Gusto na niyang magmura pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. She just opened a game application and played it. Nagtagal iyon ng isang oras hanggang sa mabored na siya.
he watched the tall coconut trees on the green field. Maganda iyon at halatang sariwa ang hangin. This was the first time in thirteen years na nakakita siya muli ng ganito.
She’s really back.
Natapos ang biyahe. Halos alas-tres ng hapon ng dumating sila sa gate ng mansiyon. Pinagmasdan ni Celementine ang pamilyar na gate nito. Ang matataas na bakod ay balot na ng mga halaman.
Bumusina ng tatlong beses ang driver bago bumukas ang mataas na gate. Bumilis ang t***k ng puso ni Clementine sa paglapit nila sa mansyon.
“Ma’am Tine, dito na po tayo. Welcome home po.” sabi ni Manong Roel sa maligayang tono.
Lumunok si Clementine at sinuot ang aviators niya. Nakita niyang nakaabang doon ang dalawang kasambahay kasama si Manang at isang babae.
Naunang lumabas si Quentin at tinulungan na magbaba ng gamit si Manong Roel. Huminga nang malalim si Clementine at binuksan ang pintuan.
Saglit silang nagkatinginan ni Quentin. She looked away and saw the facade of the mansion again. It looked the same. Ang garden ay halatang inalagaan. Maraming halaman ang nabago mula sa memorya niya. Even the fountain at the center is the same.
“Clementine!” sigaw ni Manang at nagmamadaling bumaba sa porch ng bahay para salubungin siya.
Inalalayan ito ng dalagang kasama nito. Inalis ni Clementine ang kaniyang aviators at niyakap ang matanda.
“How are you, Manang?” she asked.
Kumalas si Manang at hinawakan ang magkabilang pinsgi niya. She smiled at the old woman.
“Ang ganda ganda mo na, hija! Ang tangkad mo na! Dalaga ka na talaga.” sabi ni Manang na naiiyak na.
She just smiled. She wanted to cry. There’s some warmth that spread on her body. She’s really here. She’s home after so many years.
Pero hindi iyon dahil gusto niya.
Muling nanlamig ang sikmura niya nang maalala kung bakit siya naririto.
“Where is Daddy, Manang?” she asked.
Nawala ang ngiti ng matanda na mukhang nawaglit din sa isipan iyon pansamantala. Quentin just let the maids get Clementine’s luggage.
Nanatili ito sa tabihan ng babaeng kasama ni Manang.
“Nasa kuwarto niya, hija. Nagpapahinga. Mamaya mo na puntahan at hindi iyon masyado nakatulog kagabi.” sabi ni Manang at inakay siya papaakyat sa porch ng mansiyon.
Nakasunod sa kanila si Quentin at ang babae. Nagphanda si Manang ng pagkain. Halos mamangha si Clementine. Ganoong ganoon pa rin ang hitsura ng loob ng mansiyon.
She sat somewhere in the dining. Ganoon din si Quentin at ang babae. Naglabas sila ng mga pagkain.
Kumuha si Clementine at kumain. She was so hungry that she can eat everything on the table.
“Kumain ka nang kumain, hija.” sabi ni Manang, nakangiti.
“Ikaw rin, Quentin. Alam ko’ng pagod na pagod kayo sa biyahe. Maraming salamat sa pagpayag sa utos ni Wilfredo na sunduin itong si Clementine. Hindi ka ba nahirapang hanapin ang apartment ng batang ito?” tanong ni Manang.
Umiling si Quentin at tumingin kay Clementine. She rolled her eyes as she sipped on her tea.
“Hindi, ‘Nang. Lahat ng napagtanungan ko, alam kung saan ang apartment. Mukhang sikat na sikat doon ang apartment tower ni Senyorita Clementine.” sagot ni Quentin.
Ngumuso si Clementine at pinunasan ang kaniyang bibig.
“Yeah, my apartment is one of the luxurious apartments in NYC. I was so surprised that they let you in on my floor.” she said and looked from his head to toe and smiled, “No offense meant, ah?” she disclaimed and continued eating.
Tumikhim iyong babae at agad inilingan ni Quentin.
“Ito nga pala si Angela, hija. Kapatid ni Quentin at kaedad mo lang siya. Marketing din ang kinukuha niya sa community college dito.” pakilala ni Manang sa babae at tumungo siya papunta sa kusina para kumuha ng juice.
“Oh, really? Hi.” sabi niya at ngumiwi ng bahagyang tinanguan ang babae.
Kanina pa niyang hindi nagugustuhan ang mga tingin na binibigay nito sa kaniya. She felt uncomfortable.
Angela nodded and looked at Quentin. Natapos ni Clementine kumain at nilingon iyong isa sa mga katulong.
“Did you clean my old room?” she asked.
“Ah, ma’am…”sagot noong katulong halatang ‘di mapakali.
Kumunot ang noo niya roon. Lumabas si Manang dala ang pitsel ng juice.
“What? I am just asking if anyone here prepared my room? I just wanna sleep,” she said.
“Hija, kasi… si Angela ngayon ang nasa kuwarto mo,” sagot ni Manang.
“What in the hell?” sigaw niya.
Angela sat there quietly. Nilingon siya ni Clementine papunta kay Quentin.
She was trying to be polite but this is too much.
“Hija—“
“Manang, there were so many rooms here? Bakit sa kuwarto ko pa? Out all the room here? Seriously?” tanong niyang hindi makapaniwala.
She stood up and ascend the stairs quickly. Nakasunod sa kaniya ang matanda. She cannot believe it. Pumunta siya sa kuwarto niya.
Nalaglag ang panga niya na makitang iba na ang design ng kuwarto niya. She threw the pillows at the bed and removed the cover.
“Clementine! Hija! Kumalma ka.” pagsusumamo ni Manang.
“No! This is my freaking room! Remove all her things! Put it back to the way it was! You had no ounce of right to touch or change anything!” sigaw niya at binato ang mga unan doon.
She ripped the wallpapers on the wall. She may look like she’s overreacting pero iyon na lang ang alaala ng Mommy niya sa kaniya. They decorated this bedroom together. She was aggresively throwing things.
Nakakuyom ang mga palad ni Angela habang umiiyak. But Clementine’s merciless.
Nabasag ang isang salamin na nakapatong sa table niya.
“Tama na, ano ba?” sigaw ni Quentin.
Pumagitna si Quentin at kinuha ang mga gamit ng kapatid na ibabato ni Clementine.
“I should be the one telling you, that! Why do you always have to get everything? You and your sister have my father! Pati ba naman ito?” sigaw niya.
Natigilan si Quentin at umigting ang panga niya.
“Hindi namin kinukuha ang Daddy mo sa'yo. Oo, kuwarto mo ito pero wala kang karapatang sirain ang gamit ni Angela. Aalis siya rito sa kuwarto mo ngayon din,” sabi ni Quentin at pinulot ang mga libro at gamit.
“Hija, Quentin. Kumalma kayo. Nasa kabilang kuwarto lamang si Don Wilfredo.” sabi ni Manang pero mukhang huli na iyon.
Dumungaw sa pintuan ang Don kasama ang isang private nurse.
“Ano'ng kaguluhan ito?” tanong nito sa maala-kulog na boses nito.
Marahas na pinunasan ni Clementine ang kaniyang luha.
This is very chaotic.
Nagkagulo na bago pa man niya makita ang ama. She’s tired, frustrated and angry.
“She’s using my room, Daddy? How could you let this happen?” tanong niya.
This is her memories of her mother. This is too precious for her.
“You’re overreacting, Clementine. This is just a room—“
“No, it is not just a room! And it is mine! My Mommy decorated it for my birthday! And look what did you do?! You let her used this and it changed! It’s like I don’t know my room anymore!” she shouted and cried angrily.
Umiiyak na rin ngayon si Angela. Mariin na hinaplos ni Quentin ang balikat nito.
“Clementine!” sigaw ng matanda.
Ngumisi si Clementine sa ama. This relationship cannot be reconciled. They’re so different with each other.
“I get it, Daddy. Kuha ko naman na mas gusto mo pang makasama ‘yang magkapatid na ‘yan kaysa sa akin. You barely know them. I am your daughter. And I was okay with it, ” she said with a sigh and looked at her father.
Natahimik ang Don sa kaniya. Umiiyak si Manang sa tabi at halos yakapin na si Clementine para pigilan.
“But letting her into using my room? That’s unfair! Ito na lang ang mayroon ako’ng alaala kay Mommy. You went overboard, Daddy.” she continued.
Binalingan niya si Manang.
“I knew it. Maling desisyon na umuwi ako rito. You look well pa rin naman. Don’t worry, I will get a flight back to New York tomorrow.” she said and was about to go out when her father spoke,
“No. You will stay here for good, Clementine. I called NYU to drop all your subjects. Dito ka na mag-aaral sa San Lucas.”