Hindi makapaniwala si Clementine sa narinig niya. Hindi pa siya nag-iisang araw rito pero tila ba sinasagad siya ng lahat ng nandidito.
“No, you cannot do that to me!” sigaw niya sa Don.
“Tapos na ang usapan dito, Clementine Serra,” sabi ng umiling na ama niya at bumaling kay Quentin, “Utusan mo sina Melba na ilipat ang mga gamit ni Angela sa isa sa mga guest room.”
Tumango si Quentin at inilayo roon ang kapatid niya na umiiyak.
“Manang, pakibalik sa dating ayos ang kuwarto ni Clementine. I am so tired dealing with nonsense drama, right now.” sabi nito.
Lumabas ang Don doon.
Hindi nag-alinlangang lumabas si Clementine para sundan ito sa kaniyang silid.
Nonsense? How can he tell something like that to her?
“Miss, can you leave us for a moment? I need to talk to my father.” sabi niya sa private nurse.
Tumingin ito kay Don Wilfredo na agad tinanguan ng matanda. Umalis ito at sinara ang pintuan. Don Wilfredo remained seated at his bed.
Nilingon ni Clementine ang silid ng kaniyang mga magulang.
“You cannot do this to me, Daddy. You should’ve told me before you did that. I don’t wanna leave New York!” she said, protesting.
Hinilot ng matandang Don ang kaniyang sentido.
“My decision is final. You will stay here and learn how to manage everything. I know Quentin told you everything about my condition.” he said and for a moment, he looked tired.
Natigilan si Clementine.
Tumulo ang luha niya.
Lumapit siya sa ama at naupo sa tabi nito.
“Yeah,” iyon ang tanging sagot lang niya, “But New York is my life now, Daddy. Hindi ako sanay dito.” pagpapatuloy niya at nilibot niya ang tingin dito.
Yes, her father is sick. She can stay here until everything’s okay at pagkatapos noon ay nais niya na babalik siya sa New York.
But handling a business she’s not even interested? Is she ready for all of this changes?
“You will be trained by Quentin in everything, Clementine. Masasanay ka rin.” sabi ng matanda.
“You don’t get this Daddy, don’t you? You sent me to New York when I was thirteen. I didn’t want that, you know. But still, I left. Pero ngayon? It’s like you’re gonna do the same to me.” sabi niya at tumulo ang panibangong luha niya.
“Stop crying. It’s time for you to grow up and learn the business that’s buying your whims.” saway ni Don Wilfredo.
“Dad—“ agaran siyang pinutol ng Don.
“We are just waiting for your records. You will be transferred to San Lucas Community College. For the meantime, you have to learn how to run the mango farm since it’s still vacation.” sabi ni Don Wilfredo, sigurado at hindi na mababago.
Umalis siya sa kuwarto ng ama matapos ang pag-uusap na iyon. Nagkulong siya sa inihandang guest room para sa kaniya habang inaayos ang silid niya. Tahimik ang buong mansiyon.
Hindi niya alam kung saan pumunta ang magkapatid at wala na rin siyang balak alamin iyon.
They can leave the house for all she cares.
She cried for hours until a knock came from the door. Hindi niya namalayan na dinala siya ng antok. Bumangon si Clementine at binuksan iyon.
Her eyes were puffy from all the crying she did. Mainit na ngumiti si Manang at hinaplos ang kaniyang balikat.
“Nakatulog ka ba ng maayos? Gusto mo bang dalahin ko rito ang hapunan mo? Pasado alas siyete na,” banayad na tanong nito.
Ngumiti si Clementine.
“No, Manang. I’ll eat downstairs. Just give me a minute. Magbibihis lamang po ako.” sagot niya.
Umalis na rin si Manang pagkatapos noon at hinayaan siyang maghanda ng sarili. She took a quick bath to remove all the sweat from the travel. She wore an old rose-coloured sexy satin short at kulay puting v-neck spaghetti strap.
Bumaba siya sa kusina. Ngayon ay marahan niyang pinasadahan ang buong bahay. Ang hardwood nitong sahig, ang mga malalaki nitong painting at ang magagarbong gintong chandelier ay talaga namang ni-restore.
Ganoon pa rin ang ayos at puwesto ng mga muwebles sa nagdaang panahon.
She was the last one to arrive at the dining table. Nakaupo na roon sa sentro si Don Wilfredo. Nasa tabi nito at nakatayo ang nurse.
Naglalagay ng mga pagkain ang mga kasambahay na pinapangunahan ni Manang na nagsasalin ng juice.
Nagkatinginan sila ni Quentin. He changed his clothes, too. Mukhang bagong gising din ito. Nasa tabihan niya si Angela na tahimik din na pinapanood ang paglapit niya.
Umupo siya sa tabi ng ama at kaharap niya si Quentin na nasa kabilang banda ng Don.
“Let’s eat.” sabi ni Don at parang mga robot na lumapit ang mga kasambahay.
Lumapit sa kaniya ang isang kasambahay para lagyan siya ng kanin pero umiling siya.
“No, thank you. I am on a no-rice diet.” pagtanggi niya rito.
Tumango ito. Tiningnan ni Clementine ang mga pagkain doon.
“Do we have a steak?” tanong niya kay Manang.
Natigilan sa pagsasalin ng juice sa baso niya ito. Natigil din sa pagkain ang Don. Nag-angat naman ng tingin si Quentin sa banda niya.
“Clementine, hija. Naku, wala tayong karne para doon. Kung gusto mo buk—“ naputol ang nais sabihin ni Manang dahil nagsalita si Don Wilfredo.
“Manang, hayaan mo siya sa mga kapritsuhan niya. Matuto siya dapat kainin kung ano ang nasa harapan niya.” sabi nito.
Ngumiwi si Clementine at hindi pinansin ang ama.
“I want my sportscar shipped here. Also, my bags, jewelries, shoes and dresses.” sabi niya sa ama at kinuha ang sa tingin niya ay puwede niyang kainin.
Uminom si Don Wilfredo ng tubig at nagsalita nang hindi man lang inaangat ang mga tingin niya sa dalaga.
“No. I will ask my assistant to sell your things even your apartment there.” sagot ng Don.
Padarag na binitiwan ni Clementine ang mga kubyertos niya.
Nagulat ang mga kasambahay sa inasal ng dalaga.
“If you want me here for good. Bring every piece of my things here.” sabi niya sa ama.
Nagpunas ng bibig ang Don at tumingin sa kaniya.
“This is your first lesson, Clementine Serra. You must know the value of money.” sagot nito sa kaniya.
"What do you mean?” tanong niya sa ama.
“You will spend a lot of money for the shipping. Your sportscar won’t be any of use here. Kakaunti ang concreted roads dito sa San Lucas. It’s better to sell them kesa mabulok sa garahe.” paliwanag ng Don.
Umiling siya at lumagok ng tubig.
Her father is really ridiculous!
“How about my bag collections? My dresses?” tanong niya.
“My assistant already checked all your things. They said it is in its best state, all your bags. They will be in auction by the end of the month. Your apartment has a possible buyer, too.” sagot nito sa seryosong boses.
“What? Ang bilis naman ata, Daddy? And no! You cannot touch my things without my permission.” she said.
“What permission are you talking about? You used my money in buying all of them.” sagot ng Don.
This is really getting out of hand! Lumunok siya at pilit na kinakalma ang sarili.
“Kahit na, Daddy. Gamit ko ‘yon! You should’ve asked my permission!” giit niya.
Tumikhim si Don Wilfredo at tumingin sa tahimik na kumakain na si Quentin at Angela.
“Quentin, what’s your opinion with this subject?” tanong ni Don.
Tumigil sa pagkain ito at pinunasan ang gilid ng kaniyang mga labi. Even Angela’s waiting for her brother to speak.
“Tama po kayo roon, Don Wilfredo. Masyadong malaking halaga kung ipapadala iyon dito sa San Lucas. Doble ang gastusin dahil babayad pa sa shipping. Mas mainam na rito na lamang sa hacienda gamitin iyon.” sabi ni Quentin.
Tumaas ang kilay ni Clementine.
“f*****g show off.” bulong niya pero sapat para marinig ng binata.
Madilim ang mga mata ni Quentin na tumingin sa kaniya. She smirked and showed no signs of remorse.
“Dad! Ano ang alam ng lalaking iyan about sportscar? We should not ask that ignorante!” she said, trying to brainwash her father.
“That’s enough, Clementine!” pag-awat ni Don Wilfredo, “Tama si Quentin. Mainam na sa hacienda natin gamitin ang perang iyon.”
“Unbelievable!” sigaw niya at napasinghap na lang.
Masamang binalingan ng mga tingin si Quentin. Hindi niya maiwasang isipin na kung mananahimik man lamang ito at hindi na nagkumento pa para sumipsip sa ama ay maaari pa niyang makumbinsi ang ama.
“We will not have any more discussions with this matter, Clementine. One word and I will cut all your cards.” banta ni Don Wilfredo at tumayo na para umalis doon.
Inalalayan ito ng private nurse paalis sa kusina.
Tahimik naman si Quentin na tinapos ang kaniyang pagkain. Angela stood up and helped the maids to clean up. Nanatili siya roong nakaupo.
Quentin drank his water and helped on piling up the plates.
“Ako na riyan, Angela, Quentin!” sabi ni Manang at kinuha iyon para dalahin sa kusina.
“Tutulungan ko na kayo, Manang.” sumunod naman si Angela roon.
Clementine stopped eating.
Nawalan siya ng gana na kumain plus she was trying to be fit. Pinunasan niya ang gilid ng labi at tumayo na.
“Magkita tayo bukas ng alas siyete rito sa sala,” sabi ni Quentin.
Kumunot ang noo niya. Nahihibang na ba ito?
“What?” tanong niya.
“Bukas. Seven ng umaga.” sagot ni Quentin.
Naiirita siyang kumunot ang noo rito.
Ano ba ang sinasabi nito?
“Bilin ni Don Wilfredo na sanayin ka rito sa hacienda habang hinihintay ang mga dokumento mo para sa transfer at ang pagtatapos ng bakasyon. Alas siyete ng umaga nagsisimula ang mga trabaho sa hacienda kaya gumising ka bago ang oras na iyon.” utos nito.
Nangungutyang tumawa si Clementine sa sinabi ng binata.
Her?
Working in this farm?
That's freaking hilarious!
“What made you think that I will meet you here, anyway? Seven o’ clock, my ass.” sabi niya at umirap siya bago sinubukang lumakad na muli pero muling nagsalita si Quentin na nakapagpatigil sa kaniya.
“Sinabi ni Don Wilfredo na isang salita ko lang, puputulin niya ang mga credit cards mo. Choice mo, Senyorita.” sabi nito at nagkibit-balikat ito.
Nalaglag ang panga niya. He’s clearly enjoying it!
“Asshole,” mura niya.
Inis na inis siya dahil alam niyang totoo iyon. Masyadong maimpluwensya si Quentin sa ama niya. Kinuyom niya ang kaniyang mga palad at tumalikod na muli.
“Magsuot ka ng kumportableng damit bukas. Mas maluwag mas maganda. Hindi puwede iyang mga suot mo.” pahabol pa nito.
Hindi matanggap ni Clementine na dinidiktahan siya nito. Tila ba sasabog na siya sa inis.
“What the hell? Even the way I dress? Next time, why don’t you put a chain on me and treat me like a f*****g dog? If you’re not aware this is what you called fashion. What’s wrong with the way I dress, anyway? ” tanong ni Clementine.
Hindi niya mapigilang magtaas ng boses.
“Marami.” sagot ni Quentin.
Nilingon niya ito ngayon halos bugahan na siya ng galit na kanina pang kumukulo sa loob niya.
Marahas siyang tiningnan ng binata na parang hindi natitinag.
“Halos makita na ang puwetan at ang dibdib mo sa suot mo.” sinabi nito ang obserbasyon nito at hindi man lang nahiyang tingnan ang katawan niya.
Bumaba ang tingin ni Quentin sa mahahaba at mapuputing binti nito pati na rin sa dibdib ng dalaga. Huminga siya at binalik sa mga mata nito ang tingin niya.
“Excuse me? This is a expens—” mabilisan niya
“Wala ako’ng pakialam kung mahal o branded iyang mga damit mo. Hindi angkop ang suot mo sa trabaho sa hacienda at sa klima ng San Lucas. Siguraduhin mo na balot na balot ka bukas pagbaba mo ng alas siyete.” sabi ni Quentin na pumutol sa sasabihin niya bago niya ito tuluyang tinalikuran.
Aroganteng Hampaslupa! Mura niya sa isipan.
She went to the guestroom at sinubsob ang sarili sa unan para sumigaw. She opened the television pero parang wala siyang ma-absorb sa pelikula at tanging ang aroganteng boses ni Quentin ang naririnig niya.
Napakayabang ng binata para sa kaniya. Halos ilitanya na niya ang lahat ng masasamang bagay kay Quentin. Her blood boils at the sound of his name.
Paano naging pangalan ng demonyo ang pangalang napakabanal at angelic? She wanted to throw things at him that night pero kahit ano man ang galit at inis niya para sa binata, ay natagpuan na lang niya ang sarili na bumaba sa sala ng hacienda kinabukasan, suot ang isang denim jumper ka-partner ng isang stripped long sleeves at naka-suot ng sneaker shoes.
Tinali niya ang kaisa-isahang gucci handkerchief niya na naisilid sa kaniyang maleta sa kaniyang leeg nang sa ganoon ay magmukha pa rin itong fashion clothes kaysa work clothes.
If her friends in New York sees her, paniguradong pagtatawanan siya ng mga ito.
Nakasimangot siyang humarap sa lalaking naghihintay sa baba. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.
Nakasuot ng muscle shirt ito at faded na jeans. Nakasuot ng boots rin ito. Mukha mang modelo ito sa suot niya, hindi niya magawang purihin ito.
She rolled her eyes at him.
“Mas bagay sa iyo, Senyorita.” sabi ng binata habang pinagmamasdan siya.
.