CHAPTER 8 NAGISING kinaumagahan si Arianna nang maramdaman niya ang sinag ng araw na unti-unti ay tumatama na sa kanyang mukha. Slowly, she opened her eyes. Bahagya pa siyang nasilaw sa sinag ng araw na tumatagos mula sa salaming bintana ng silid na kanyang inookupa. Dahan-dahan niya munang sinanay ang kanyang mga mata sa liwanag bago iyon tuluyan na iminulat. There, inside her room, she saw Ronniel. Nakatalikod ito sa kanya at kasalukuyang itinataas ang Venetian blind sa may bintana. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagising. Agad na napaupo sa ibabaw ng kama si Arianna. Agad ang ginawa niyang paghila sa kumot na nasa kanyang paanan upang takpan ang kanyang katawan. She was wearing a t-shirt and a legging--- mga damit na kasama sa mga bagay na ibinigay sa kanya ng mga 'mandurukot' niy