CHAPTER 32 "Kailangan ko pa ba talagang sumama sa iyo?" tanong ni Arianna kay Ronniel. "Hindi naman ako ganoon kakilala ng mga ikakasal, Ron." Masuyong hinapit siya ng binata sa kanyang baywang at hinalikan sa noo. "You are with me, baby. Ako ang kilala mo doon. Plus, dadalo rin ang papa. At gusto rin kitang isama." "O-Okay," alanganin niyang sagot dito. They were invited to Ronniel's friend's wedding. Hindi niya sana gustong sumama rito. Isang rason kung bakit ay dahil sa wala siyang gaanong kakilala sa kasal na dadaluhan maliban kay Ronniel at sa ama nito. But Ronniel was insisting for her to come with him. Medyo malaki na ang kanyang tiyan kaya mas pinili niya na isuot ang isang maluwag na bestida at flat shoes para sa kanyang mga paa. Magkasama sila sa isang sasakyan ni Ronniel.