Nakatanaw si Desiree sa glass wall ng rest house na tinutuluyan nila ngayon ni DJ. Hapon iyon at katatapos lamang nilang maghapunan sa tabi ng pool. Napapikit siya ng may yumakap na maskuladong bisig sa kaniyang beywang. Masarap sa pakiramdam na yakap ka ng taong gusto mo. Idinantay ni DJ ang baba sa kaniyang balikat. "Masarap sa pakiramdam na kasama at yakap kita ngayon, Des. Kung puwede nga lang na ganito na lang tayo," masuyong sabi ni DJ. Natawa siya ng mahina sa sinabi nito saka humarap. Nang humarap siya, ipinalibot ni DJ ang mga kamay sa kaniyag beywang at pinagdikit ang kanilang katawan. Kahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa. Tinitigan niya ang lalaki at tinaasan ng kilay. "Hindi naman puwede iyon. Wala na tayong magagawa kapag ganito na tayo forever," maldita niyan