She’s late. He said mentally habang nakatayo sa labas ng gate ng Gemini Amusement Park. Hinihintay niya ngayon si Sairah dahil may date silat. At 15 minutes na itong late! Ayaw pa naman niya sa lahat ay maghintay ng matagal dahil punctual siya. After their confrontation at ang pagsisinungaling niya sa pagsabing mahal niya ito ay nag-e-effort na siyang magpasweet kay Sairah kahit na hindi siya sigurado kung effective ba ang technique niyang iyon para mapasaya niya ito. Naalala tuloy niya ang naging pag-uusap niya at ng tatlong itlog niyang mga kaibigan. “hindi ko talaga alam kung paano ko ipaparamdam sa kanya…” sabi niya kina Alex, Jun at Red. Nasa unit sila niya ngayon at kasalukuyang nag-iinuman ng light b