SUNOD-SUNOD na malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maybel sa ere habang nasa tapat siya ng lababo sa loob ng banyo. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung paano iyon pakakalmahin ngayon. Parang pakiramdam niya naiwan sa baba niya ang kamay ni Hunter. Hanggang ngayon kasi ay nararamdaman niya pa rin doon ang kuryente nang hawakan siya ng binata. At ramdam niya pa rin ang pag-iinit ng kaniyang mukha. “Okay Maybel... kalma! Kalma! Kalma! Umayos ka.” Kausap niya sa sarili habang nakatingin sa kaniyang repleksyon sa salamin. Gamit ang kaniyang mga palad ay pinaypayan niya ang kaniyang mukha upang mawala ang pag-iinit doon. “Ayyy! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ayaw tumigil sa pagtibok ng malakas ang puso ko?” Reklamo niya at bahagya pang