“KUYA JUANCHO!” anang Nexie nang makita nito ang binata na nasa labas ng eskuwelahang pinapasukan nito. Nakangiti pa ito ng malapad nang lumapit sa lalake. “Nexie!” anang binata. “Dito ka pala nag-aaral?” tanong nito. Tumango naman ang dalagita. “Oo!” sagot nito. “Ano ang ginagawa mo rito?” “Ah, may dinaanan lang akong kaibigan dito.” anito na itinuro pa ang building na nasa harap ng mga ito. “Ah, ganoon ba?” “Tapos na ba ang klase mo? Bakit nandito ka na sa labas?” “Hindi pa! Wala kasi ang isang teacher namin kaya wala pa kaming pasok.” sagot nito at tinapunan din ng tingin ang itim na BMW na pag-aari ni Hunter at ginagamit nito kapag hinahatid-sundo ang kapatid nitong si Maybel. “Kumain ka na ba?” tanong ulit ni Juancho sa dalagita. “Huh? Um, oo tapos na.” anito. “Sige kuya Juan