“SO, CRUSH mo rin pala si sir Hunter?” tanong ni Acez kay Maybel habang nasa canteen na sila at kumakain ng tanghalian. Isang matamis na ngiti naman ang sumilay sa mga labi niya habang ngumunguya pa. Katatapos niya lamang din ikuwento sa mga ito sa naging pagkikita nila kanina ng binata. Maging ang tungkol sa pag-e-emot ng kanilang amo nang gabi, roon sa itaas ng Bar. “Magkakumpitensya pala tayo kung ganoon.” saad pa nito at kunwari ay naiinis sa kaniya. “Nako! Acez, hayaan mo na kay Maybel si sir Hunter. Tutal naman at may boyfriend ka na.” singit na saad ni Wanda sa dalaga. Umirap naman ang huli. “Ate Wanda, si sir Hunter kasi mas yummy kaysa sa jowa ko.” “Tingnan mo. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng ito. Mahal ka ng jowa mo tapos ganiyan lang ang sasabihin mo?” pabiro ding saad