“ATE!” anang Nexie nang lumabas sa kuwarto niya si Maybel. Nasa sala ang dalagita at naghihintay sa kaniya. Nariyan na kasi sa labas si Juancho at hinihintay sa kaniya kaya nagmamadali na rin siyang lumabas. “Oh? Bakit?” tanong niya sa kapatid habang inaayos ang bag na nakasabit sa kaniyang balikat. “Wala ka ng baon?” tanong pa niya. Ngumiti naman ang dalagita. “Ah, oo ate. Ubos na ang baon ko.” anito. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang wallet at naglabas doon ng two hundred at inabot iyon sa kapatid niya. “Ito. Huwag magastos huh! May baon ka namang pagkain.” saad pa niya. “Salamat ate. Pero, p-puwede ba akong sumabay sa ‘yo ate?” tanong nito. Mabilis namang nangunot ang kaniyang noo nang mapatingin siya sa kaniyang kapatid. “Huh?” “Kung puwede akong sumabay ngayon sa inyo ni kuya