“ALAM KO NA!” nakangiting saad ni Mimi nang umupo ito sa silyang nasa tapat ni Maybel. Nasa canteen na sila at nagtatanghalian. Nangunot naman ang kaniyang noo at napatitig sa kaibigan. “Huh? Anong alam mo na?” takang tanong niya. “Ikaw huh! Akala ko no‘ng una, si sir Azmon ang labidabs mo. Iyon naman pala ay si sir Hunter,” Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito at bigla siyang napatingin sa mga kalapit nilang lamesa. Mabuti na lamang at maaga pa kaya hindi pa madami ang tao roon sa canteen. Kung nagkataon, malamang na may nakarinig na sa sinabi nitong si Mimi. “Um...” saglit siyang uminom sa tumbler na dala niya. “...p-paano mong nasabi?” tanong niya. “Una, inuobserbahan kita kapag nandiyan si sir Hunter. Iba ang ngiti at tingin mo kapag si sir Azmon ang kasama mo. K