“S-SIR HUNTER!” nauutal na sambit niya pagkuwa‘y nagmamadaling napatayo ng tuwid at binawi ang kamay niyang hawak-hawak nito. Napapalunok pa siya ng kaniyang laway habang hindi makatingin ng maayos sa binata. “What are you doing?” seryosong tanong ni Hunter sa kaniya. “Um...” hindi niya malaman kung ano ang sasabihin dito. Basta ang alam niya lang ay mas lalong lumalakas ang pagkabog ng kaniyang puso dahil sa mga nangyari. Parang pakiramdam niya, gusto ng lumabas sa rib cage niya ang kaniyang puso. Parang mapuputulan din siya ng hininga sa labis ng pagtibok niyon. Kapag minamalas ka nga naman! Bakit kasi may pagsandal pa sa pinto, Maybel? Ayan tuloy ang nangyari. Panenermon ng kaniyang isipan. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon. Kung puwede nga lang na ma