DAHAN-DAHAN na umakyat si Maybel sa mataas na hagdan habang nakahawak siya sa handrail. Bukod sa nag-iinit pa rin ang buong katawan niya dahil sa nainom niyang alak kanina sa kusina, nahihilo na rin siya at parang umiikot na ang kaniyang paningin. Sa takot na baka mahulog sa hagdanan ay dahan-dahan lamang ang hakbang niya pataas. “Ahhh! Umiikot ka na,” sabi niya pagkuwa‘y mahinang tumawa habang tinuturo ang baitang na nasa itaas niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hunter sa ere habang nakasunod siya sa dalaga at pinagmamasdan ito. Mayamaya ay parang naiiyak na naman si Maybel at napahawak sa kaniyang sintido. “Kaya ayokong uminom ng alak e! Ang panget ng lasa tapos nakakahilo pa.” reklamo pa nito at muling umakyat ng isang beses. Tila naiinip naman si Hunter na nakata