WALA sa sariling napalunok ng kaniyang laway si Maybel nang magsimulang humakbang palapit sa kanila ang binata. Ewan, pero bigla rin siyang nakaramdam ng kakaibang kaba nang mapunta sa kaniya ang seryosong tingin nito. Walang emosyon ang mukha at mga mata nito. “Good afternoon po sir Hunter.” nakangiting bati ni Remelyn sa binata. Isa-isang tiningnan ni Hunter ang tatlong babae. Nang mapunta sa kaniya ang paningin nito ay bigla rin siyang nag iwas ng tingin dito. Parang hindi niya ata kayang salubungin ang mga mata nito. Tila nakakatakot kung makikipagtitigan siya rito. “It‘s working hour. Binabayaran kayo rito para magtrabaho. Hindi para mag chismisan lang.” anito. Umigting pa ang panga nito. “E, sir—” “Go back to your work.” muling saad nito dahilan upang maputol sa pagsasalita si