“MAYBEL!” Nagmamadaling lumapit kay Maybel sina Emyrose at Acez. Pareho pang excited ang dalawang dalaga nang makita siya ng mga ito. Malapad na ngiti rin ang sumilay sa kaniyang mga labi. “Hi!” bati niya sa mga ito. Kaagad namang yumakap sa kaniya ang mga ito. “Hoy! Bakit ngayon ka lang nagpakita rito sa amin huh?” may pagtatampong tanong sa kaniya ni Emyrose. “Oo nga! Namiss ka na namin ng sobra,” saad naman sa kaniya ni Acez. Kagaya ni Emyrose, halata rin sa mukha nito ang pagtatampo sa kaniya. “Pasensya na kayo huh! Ano kasi... biglaan ang mga nangyari,” sabi niya sa mga ito matapos ang yakapan nilang tatlo. Pagkaalis nila ni Hunter kanina sa opisina nito ay hindi naman nagsabi sa kaniya ang binata na sa Hotel pala sila pupunta. Kaya ganoon na lamang ang kaniyang tuwa kanina.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books