NAKAPANGALUMBABA si Maybel habang nakaupo siya sa silyang nasa tapat ng lamesa. Naroon siya sa gilid ng swimming pool; malayo ang kaniyang tingin. Halos may kalahating oras na siyang nakatambay doon. Hindi pa siya makaalis sa bahay ng binata dahil hindi pa siya makapag-paalam dito na pupunta siya sa ospital para dalawin ang kapatid niya. Pagkalabas niya kasi kanina sa silid ni Hunter ay hindi na siya ulit pumasok doon. Baka magalit na naman ito sa kaniya at sabihing iniisturbo niya ang trabaho nito. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga pagkuwa‘y tumuwid sa pagkakaupo at sumandal sa silya. “Tapos na kaya siya sa trabaho niya?” Tanong niya sa sarili ‘tsaka lumingon at tiningala ang Veranda ng silid ng binata na nakaharap sa swimming pool area. “Maybel hija!” Napatingi