NANG marinig ni Maybel ang mga yabag ng paa na pababa na ng hagdan ay kaagad siyang tumayo sa kaniyang puwesto at inayos ang suot niyang pajama. Hindi pa siya nakakaligo dahil katatapos niya lamang magluto ng umagahan para sa binata. At dahil nasa kuwarto pa ito, hindi na muna siya pumanhik doon para makigamit ng banyo. Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga at inayos din ang kaniyang buhok. Mayamaya ay nakita niyang pumasok na nga sa dining si Hunter. Kagaya sa ini-imagine niya kanina habang naghihintay dito, nakangiti nga ito habang nakatingin sa kaniya. Huminto saglit sa pagtibok ang kaniyang puso. Hindi talaga siya sanay na makitang nakangiti ito sa kaniya. Mas nasanay kasi siyang nakasalubong lagi ang mga kilay nito. But she‘s thankful na ngumingiti na ito ngayon. “Am I t