“ARE YOU OKAY HIJA?” nag-aalalang tanong ni Miranda kay Maybel nang umupo ito sa tabi ng dalaga. Nasa opisina na nito si Maybel at Hunter. Doon dinala ng binata ang dalaga pagkatapos ng mga nangyari kanina sa labas ng stock room. Tumango naman siya bilang tugon sa babae. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dala sa labis na takot. “Here, inumin mo muna ito.” anito at ibinigay kay Maybel ang baso ng tubig. Kaagad naman niya iyong tinanggap at ininom. “S-salamat po Ms. Miranda!” saad niya sa nauutal pang boses. “What happened? Bakit nasa stock room ka?” tanong nitong muli. Si Hunter naman ay tahimik lamang na nakatayo sa likod ng pintuan habang matamang nakatitig sa kaniya. “Um, s-si Onchiem po. Pinasama niya ako roon kanina kasi raw po inutusan siyang kumuha n