MULING nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Azmon pagkuwa‘y kinuha sa ibabaw ng lamesa ang bote ng Alfonso at muling nagsalin sa rock glass nito. Si Hunter naman ay nakaupo na rin sa sofa habang nakatulala sa kawalan. Malalim pa rin ang iniisip nito. “I can‘t believe it, bro.” napapailing na muling saad ni Azmon. “How did it happen?” tanong pa nito. Nag kibit naman ng mga balikat nito si Hunter at tinapunan ng tingin ang kaibigan. “I don‘t know either so I ask for your help to find out who did this stupid and nonsense things.” anito at napatungga na rin sa boteng hawak nito. “Did you talk to your lawyer?” “Yeah I already did. And he told me that marriage certificate was not fake. It‘s real.” Sino nga ba ang puwedeng gumawa ng kalokohang iyon? Wala itong maturo na salarin na ma