“GOOD MORNING, MAYBEL!” Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya si Azmon na naglalakad sa corridor. “Good morning din sir Az.” ganting bati niya rito. “Ang aga mo a!” anito nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. “E, dumaan pa po ako sa bahay ni sir Hunter.” Nagsalubong naman ang mga kilay ng binata. “And why?” Mabilis siyang bumuga ng hangin, pagkuwa‘y naging seryoso ang kaniyang mukha nang muling sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari kanina. “Binigyan po ako ni Ms. Miranda ng extra job.” Napatango naman ang binata. “Why a sad face? Hindi ka ba masaya na may extra job ka?” tanong nitong muli. Nagsimula na rin itong humakbang nang maglakad na si Maybel. Nag kibit lamang siya ng mga balikat. “Lemme guess... first day mo sa trabaho mo kay Hunter, pero hin