“GOOD MORNING PO SIR!” nakangiting bati ni Maybel sa binata nang makita niya itong pumasok sa dinning. Usual, seryoso na naman ang mukha nito. Pero okay na rin... at least hindi nakakunot ang noo nito ngayon. Naglakad siya palapit sa gilid ng pinto at doon tumayo habang mataman siyang nakatitig sa binata na ngayon ay nakaupo na sa kabisera at iniinom ang itinimpla niyang kape rito. Nakatuon din ang atensyon nito sa binabasang news paper. Katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kusinang iyon. Mayamaya ay tumayo na rin si Hunter sa puwesto nito at naglakad na palabas. Nagmamadali naman niyang inilagay sa lababo ang tasa at sumunod sa binata. “Um, s-sir!” aniya habang nakasunod sa likuran nito. “What?” “P-puwede po ba akong humingi ng favor sa inyo?” tanong niya at pilit na sumaba