“ATE!” Pagkababa pa lamang niya sa sasakyan ay kaagad siyang sinalubong ng kaniyang kapatid na si MJ. Umiiyak pa ang dalaga kaya bigla siyang nag-alala. “MJ, b-bakit?” Tanong niya. “A-ate...” humihikbi pa ito nang tuluyang makalapit sa kaniya. Hinawakan niya ito sa kamay. “Bakit? Ano ang nangyari?” Tanong niya ulit sa kapatid. “S-si Ken. Isinugod sa ospital si Ken kanina.” Bigla siyang nilukob ng matinding kaba matapos niyang marinig ang balitang iyon galing sa kapatid niya. “B-bakit? A-ano ang nangyari sa k-kaniya?” Kanda utal na tanong niya. “Ano ang nangyari sa kaniya, MJ?” “Maybel, bakit may problema ba?” nagtatakang tanong ni Juancho nang lumapit ito sa dalawang babae. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luha nang harapin niya ang binata. “Um, n-nasa ospital ang kapat