“MAYBEL!” Kaagad siyang napalingon sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Ms. Miranda. Huminto siya sa pagtutulak sa kaniyang Trolley nang makita niya ang babae na naglalakad palapit sa kaniya. “Good afternoon po Ms. Miranda.” bati niya sa babae. “Tapos ka na ba sa trabaho mo?” tanong nito. “Yes po! Bakit po?” tanong niya. “Good! Um, umakyat ka sa Penthouse. Palitan mo ngayon ang mga linen at curtains doon.” Bigla naman siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Ngayon pa lamang ay excited na siyang makita ang binata. Simula kasi kaninang umaga, hindi na niya ito nakita pa sa corridor. “Okay po Ms. Miranda. Iyon lang po ba?” “Yeah!” “Sige po.” aniya at nagpaalam na rin sa babae. Pagkatapos niyang kunin sa Laundry Area ang mga linen at kurtinang kailangan niya ay kaaga