PAROO‘T PARITO ang lakad ni Hunter sa loob ng opisina nito. Sa klase ng hitsura nito ngayon; ang pagkakakunot ng noo nito, tila anumang sandali ay mananakit ito ng tao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa natanggap na sulat kanina. Muli itong nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga kasabay ng pag tiim ng mga bagang nito. Napahilamos pa ito at ginulo ang sariling buhok. Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa roon si Miranda, bakas din sa mukha ng babae ang pag-aalala. Abala ito sa trabaho nito sa Hotel nang makatanggap ito ng tawag kanina mula sa binata. Gusto raw itong makausap ni Hunter ng personal, kaya kaagad itong napasugod doon. “Hijo! What‘s the problem?” tanong pa nito. Kitang-kita nito ang galit sa mukha ni Hunter. Ilang saglit lang a