“UM, SIR HUNTER!” Untag niya sa binata nang maiwan na silang dalawa sa Penthouse nito. Saglit kasing nagpaalam ang mag-asawang Josephine at Arthur para makipagkita sa mga amigo ng mga ito. Si Miranda naman ay bumalik na rin sa trabaho. Tapos na rin niyang iligpit at hugasan ang mga pinagkainan nila kanina. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang kaba sa kaniyang dibdib dahil wala na sa harapan niya ngayon ang mga magulang ng binata. Pero ang kakaibang kaba sa dibdib niya dahil sa mga nangyari sa kanila ni Hunter kanina ay naroon pa rin. Hindi na ata iyon mawawala. Bahagyang siyang tumikhim kasabay ng pag-iwas niya ng tingin sa binata nang kumilos ito at humarap sa kaniya. Malayong-malayo na ang hitsura nito ngayon kaysa kanina. Kung kanina ay nakangiti ito na labis ngang nakapagpatunaw