MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maybel habang nakaupo na siya sa gilid ng kama ni Hunter. Katatapos niya lamang punasan ang katawan nito at palitan ito ng pajama. Nilagyan niya rin ng basang bimpo ang noo nito para kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. Nakatitig lamang siya ng mataman sa binatang ngayon ay payapa na ang pagkakatulog. Mayamaya ay muli na namang pumasok sa isipan niya ang nangyari kanina. “Maybel... why are you doing this to me?” tanong ni Hunter sa kaniya habang mataman pa rin itong nakatitig sa kaniyang mga mata. Mayamaya ay naramdaman niyang pumulupot sa baywang niya ang mga braso nito. Mas lalo siya nitong hinapit kaya‘t mas lalo niyang naramdaman ang matigas nitong katawan. Bahagya ring napalapit ang kaniyang mukha sa mukha nito. Amoy na amoy na