“NEXIE!” “Ate,” Mabilis na tumayo sa puwesto nito ang dalagita at nagmamadaling lumapit kay Maybel. Mahigpit itong yumakap sa kaniyang ate. “Okay ka lang ba? Ano ang nangyari?” nag-aalalang tanong niya sa kapatid. “Anong nangyari, Nexie?” nang ilayo niya ito sa kaniya. Labis ang pag-aalala niya para dito kanina. Ang akala niya ay may kung anong masamang nangyari sa kapatid niya. Nagpakawala naman ng malalim na paghinga ang dalagita pagkuwa‘y tinapunan ng tingin ang binatang nasa tabi ni Maybel. Mayamaya ay nagbaba ito ng tingin. “Kayo po ba ang kapatid ni Nexie?” tanong ng pulis na lalaki na lumapit sa kanila. Tumango siya rito. “Ako nga po! Bakit, ano po ang nangyari? Bakit nandito ang kapatid ko?” magkasunod na tanong niya sa pulis. Mababakas pa rin ang pag-aalala niya para sa kan