MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maybel sa ere pagkapasok niya sa kaniyang opisina. Pakiramdam niya hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ang kaniyang mga tuhod dahil sa nangyari kanina. Maging ang baritinong boses ng binata na bumulong sa kaniya ay naririnig niya pa rin sa tapat ng kaniyang tainga. Ang palad nitong masuyong pumisil sa kaniyang baywang ay damang-dama pa rin niya. Ang perfume nito. Ang kuryenteng naramdaman niya kanina nang hawakan niya ng binata. “Ah! Ah! Maybel. Ano ba itong nangyayari sa ‘yo? Bakit ganito na katindi ang epekto sa ‘yo ni sir Dodong? Ah! Diyos ko!” napaupo siya sa kaniyang swivel chair habang nasa tapat ng kaniyang dibdib ang isang kamay niya. Malakas pa rin talaga ang kabog ng kaniyang puso. Ano ba ang gagawin niya para mapahupa iyon? Napat