“ARAY!” daing niya nang bigla siyang mahulog sa marmol na sahig. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay nang tumingala siya upang tingnan ang binata. Masama rin ang tingin nito sa kaniya. “Ouch!” daing pa niya pagkuwa‘y dahan-dahan siyang kumilos upang bumangon. Hawak-hawak pa niya ang kaniyang balakang. Ang buong akala niya ay hindi na siya mahuhulog sa sahig dahil nasalo naman siya ni Hunter. Pero ang nakakainis na binata naman ay bigla siyang binitawan... kaya hayon, ang balakang at ang siko niya ang nasaktan. Walang-hiya talaga! “What are you doing?” masungit pang tanong nito sa kaniya nang makatayo na siya. “E, a—” nauutal na naman siya. Ewan ba at kung bakit hindi niya magawang makapag-salita ngayon ng maayos. “Talk!” inis na saad pa nito. “O-opo! Opo sir.” aniya. “E, t-tiniti