“I THOUGHT you were going back to Washington and Amanda would be in charge of this Hotel?” tanong ni Azmon nang makausap na nito si Hunter. Kararating lamang ng binata sa suite na inuokupa nito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hunter sa ere ‘tsaka ito prenteng umupo sa mahabang sofa na naroon. “Amanda is getting married. Hindi ko naman puwedeng pigilan ang pag-alis niya papuntang DC para asikasuhin ang kasal niya.” sagot nito. Naglakad si Azmon palapit sa single couch. Hawak ang kopita na may lamang alak ay nakadekuwatro din itong umupo roon. “So, okay lang sa ‘yo na ikaw na muna ang magpapatakbo sa Hotel na ito?” Saglit na hindi umimik si Hunter. Nakatitig lamang ito sa marmol na sahig. Mayamaya ay muli itong bumuga ng malalim na paghinga. Tiningnan din nito ang kaibigan