“WHY DID you tell her about the Marriage Certificate?” tiim-bagang na tanong ni Hunter kay Miranda nang magka-usap na silang dalawa. Nasa mukha pa rin ng binata ang galit dahil sa ginawang iyon ng babae. Ang usapan kasi nilang dalawa na hindi malalaman ng magulang niya ang tungkol doon. Dahil ginagawan naman niya ng paraan para mapawalang bisa ang papel na iyon. But look what happened? Gustong umuwi rito sa Pilipinas ng magulang niya para makilala ng personal si Maybel. His wife according to his mom. Banayad na nagpakawala ng buntong-hininga si Miranda nang mag-angat ito ng mukha at tingnan ang binata. “I‘m sorry hijo!” anito. “E, nadulas lang ako,” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata habang nakatingin pa rin kay Miranda. “I mean, hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihi