“OH! AKALA ko ba hindi ka marupok?” tanong ni Emyrose habang naglalakad ito palapit kay Maybel. Nakatayo sa dulo ng lobby ang dalaga habang nakatingin sa front desk kung saan naroon ang binatang si Hunter at kausap ang ibang empleyado. Mas lalong lumapad lamang ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Nako! Nako! Nako! Hindi raw marupok, pero ngayong nakita lang sa malayo ang Dodong niya ngiting-ngiti ng mag-isa.” napapailing pa ito. “Wala akong sinabi na ganoon, bes!” “At ako pa ngayon ang lumabas na magaling gumawa ng kuwento?” Kunot ang noo at saglit niyang nilingon ang kaibigan. Umismid pa siya rito bago muling itinuon ang paningin sa binata. “Ano ba kasi ang nakita mo kanina? Ikuwento mo na sa ‘kin. Secret lang natin.” muling saad nito. Kanina pa nito sinusubukan na kulitin si Maybe