09

2165 Words
Chapter 9 3rd Person's POV; "Maganda?" napasapo sa noo si Irie ng maalala ang mukha ng babae na kausap ni Janus. Naiinis na naghilamos si Irie at halos iuntog na nito ang ulo sa sink dahil sa inis na nararamdaman. "Darn! Anong ginagawa mo dito? " Napatigil si Irie ng may lalaking humila sa kanya papunta sa kabilang sulok ng men's room. "Bitawan mo ako! Bakit---. " tinakpan ng lalaki ang bibig ni Irie. "Nakita mo yung tatlo sa kasamahan ko? Balak nilang tambangan ka dito kaya umalis kana. " gigil na sambit ng lalaki bago binitawan si Irie at kinuha ang isa sa trashbin na nanduon at tinaob. "Umakyat kana bilisan mo. " "Gago ka ba?! Nasa 2nd floor tayo at pag umakyat ako sa bintana, patay ako. " ani ni Irie bago kinuha ang mga gamit niya. "Lalabas ako at haharapin---. " "Hindi mo ba ginagamit ang utak mo? Binubuo ng mga alpha at beta ang klase namin kaya mas mabuti pa sumunod kana lang." asik ng binata bago sumampa duon. "Mauuna na ako bumaba, sasaluhin kita. " ani ng lalaki bago naunang tumalon na kinamura ni Irie kaya mabilis ito umakyat at sumilip. Matapos bumagsak balewala na tumayo ang lalaki at tumingin sa itaas. "Tumalon kana! " sigaw ng binata mula sa ibaba. Nagdalawang isip si Irie pero ng marinig niya ang mga yabag galing sa labas. Kusa ng gumalaw ang katawan niya para sundan ang lalaki. "Ahhh! " sigaw ni Irie matapos tumalon galing sa taas na agad sinalo ng binata na bumagsak sa sahig. "Aray, putangina. " mura ng binata matapos bumagsak sa kanya si Irie. Nang makaget over ang binata gusot ang mukha nito na hinila si Irie at sinandal sa pader para takpan ang bibig ng may mga estudyante na sumilip galing sa bintana. "Sabi ni Gio nandito ang isa sa omega! " sigaw galing sa itaas. Nang makitang wala ng tao sa bintana aalis ang lalaki ng---. "f**k!" mura ng binata matapos ito bumagsak ng makatikim ito ng sipa sa tagiliran. "Anong ginagawa mo sa omega ni Janus. " nag gigitgit na tanong ni Yamir habang masama ang tingin sa alpha na tumulong sa binata. "Puta ka! Hindi ko 'yan type! " mura ng binata habang hinihilot ang tagiliran. "Niligtas niya ako. " hindi makapaniwala na sambit ni Irie bago tumingin sa itaas kung saan sila tumalon ng alpha. "Makaalis na nga mga peste. " mura ng binata bago paika-ika na tumayo at kinuha ang bag. "T-Teka. " ani ni Irie. "Don't get me wrong ayoko pa din sa iyo. " asik ng alpha bago umalis habang hawak ang balakang. "Ano ba talagang nangyari? " tanong ni Yamir bago tingnan si Irie. "Tumalon kami galing sa 2nd floor, tinulungan niya ako makatakas sa nga kaklase niya. I guess. " sagot ni Irie na kinabuga ng hangin ni Yamir. "Bumalik kana kina Ayen, nag aalala na sa iyo 'yung dalawa. Sama mo na din si Janus na iniwan ang meeting dahil bigla kana lang nawala. " ani ni Yamir bago tinahak ang daan kung saan dumaan ang alpha. Katulad ng sinabi ni Yamir umalis na duon si Irie at hinanap ang dalawang kaibigan. "Kuya Irie! " sigaw ni Ayen ng makita si Irie na agad sinalubong ng yakap kasunod si Shiro. "Saan ka ba nanggaling? Bigla kang nawala sabi mo pupunta ka lang ng men's room. " tanong ni Ayen habang si Shiro naman ay agad kinontak ang kapatid para sabihin na nahanap na nila ang binata." -- "Saan ka galing Glen? " tanong ng pinaka leader sa grupo nila. "Dapat ko pa ba sabihin sa iyo ang detalye ng ginawa ko?" sagot ng binata habang inaayos ang pagsara ng butones sa uniform niya. "Saan kayo galing? Mukhang handa kayo. " tanong ng binata na kinayukom ng kamao ng pinaka leader. "Wag mo nga ako pinagloloko, Glen. Nakita ko ito sa men's room. " napatigil ang binata matapos itaas ng lalaki ang school id na pag mamay ari niya. "Akin 'yan kaninang umaga ko pa 'yan hinahanap. " ani ni Glen bago kinuha iyon na kinasama sa kanya nang tingin ng mga kasamahan. "Nakita ko 'yan sa gilid ng basurahan sa loob ng men's room kung saan umakyat ang omega. " Napahinto si Glen matapos maramdaman ang pheromones ng leader bago siya hinablot. "Kailan ka pa natutong kumagat sa taong nagpapakain sa iyo ha? " "Pheromones mo ang naamoy ko sa bathroom kaya alam ko na bago kami pumasok duon, nandu'n ka kasama ang omega. " "B-Bitawan mo ako. " nahihirapan na sambit ng binata matapos siya hawakan nito sa leeg. Naglabas ng sobrang pheromones si Glen pero hindi naging sapat iyon para mapantayan ang pinuno. "f**k! " mura ng may hawak kay Glen matapos ito mapaatras ng may lumipad na patalim sa gitna nila ni Glen at daplisan nito ang kamay ng binata. Napaubo si Glen ng bumagsak ito sa sahig at napatingin kung saan galing ang patalim. Napatigil ito bahagya matapos makita si Yamir na may hawak na maliit na patalim habang ang likod ng palad nito ay nagtatakip sa ilong. "Ayoko talaga ng amoy ng alpha pheromones. Dahil medyo marami kayo aabutin siguro ako ng isang minuto para mapatumba kayong lahat." "Kailangan ko lang pigilan ang paghinga ko. " nakangisi na sambit ng beta habang pinaglalaruan sa kamay ang patalim. "Akala mo ba mapapabagsak mo kami kung mag isa ka lang? Matapang ka lang naman pag andiyan ang Jeya diba? " may pangmamaliit na sambit ng pinuno. "Bakit hindi kayo sumugod? " walang emosyon na sambit ni Yamir. Hindi nagawang makagalaw ng binata mula sa pagkakaupo ng isa-isang napabagsak ng Beta ang mga kaklase nito na alpha. Dahil sa pag galaw ng beta humalo sa hangin ang pheromones ng binata na gustong-gusto ni Glen na ngayon ay nanatiling nakaupo at pinanonood ang binata. Nang tuluyan bumagsak ang mga kalaban bahagyang nilingon ng beta ang alpha na parang nabato sa kinatatayuan nang magtama ang mata nilang dalawa. "Wag kang mag alala pinatulog ko lang ang mga kaklase mo. " "S-Sinong nag-aalala? " utal na sagot ng binata bago pilit na tumayo at naglakad para kuhanin ang bag. "Hindi kana d-dapat nangialam. " ani ng alpha habang inaayos ang uniform. "Hindi ba pwedeng mag thank you kana lang? " "Why would i? Sinabi ko ba na tulungan mo ako. " asar na sambit ng alpha bago naglakad paalis. "Darn, " "Angas din ng alpha na iyon. Nakakatuwa siya, sa sobrang tuwa ko sa kanya gusto ko na siya balian ng leeg. " "Kanina ka pa andiyan pero hindi mo 'man lang ako tinulungan. " asar na sambit ni Yamir matapos makita ang kaibigan na nasa itaas ng puno at pretenteng nakasandal. "Ayoko makasira sa pagpapakitang gilas mo sa mayabang na alpha na iyon. " "What the heck are you saying? Gusto mo bumalik sa private room ng kulang ng isang tenga? " asik ni Yamir na kinatawa ng binata dahil sa unang pagkakataon napikon niya ang kaibigan. Matapos ito tumalon pababa lumapit ito sa lalaki at agad inakbayan. "Chill lang, nagbibiro lang ako. " natatawa na sambit ni Eros sa Beta. -- "Niligtas ka 'nung isa sa apat na humarang sa atin?" ulit ni Ayen na hindi makapaniwala na nakatingin sa binata. Tumango ang binata habang hinahaplos ang braso. "Gosh, hindi ako makapaniwala. " "Irie. " Napatingin ang binata ng dumating si Janus kasunod ang Jeya. Ngunit imbis tingnan ang mga binata na kasunod ng mate nakakatitig lang ito sa mata ng mga lalaki. "Nasaktan ka ba? Nalaman ko kay Yamir ang nangyari. " ani ni Janus matapos lumapit sa binata. Nang makalapit si Janus kay Irie tumayo ang dalawang omega mula sa pagkakaupo sa bench kung nasaan si Irie at lumapit sa mga alpha nito na nakatayo sa hindi kalayuan. "Pwede kita hawakan? " "H-Ha? " ani ni Irie. "Kailangan ko ba ulitin ulit? Titingnan ko lang kung may sugat ka. " ani ni Janus bago lumuhod sa harapan ng binata. "B-Bakit ka n-nagpapaalam? " "Is that, yes? " 'Hihi ang cute ni Irie. " 'Shh, kunwari wala tayo. " ani ng dalawang omega na kinailing nina Eros na natatawa. "Darn, sa tingin mo sasagot ako ng oo? " naiilang na sambit ni Irie bago umiwas ng tingin. "Then, it's mean yes. " Napasinghap si Irie at napatingin sa binata ng hawakan nito ang nga palad niya. "Relax, hinawakan ko lang ang kamay mo. Kontrolin mo ang pheromones mo, hindi lang tayong dalawa ang nandito. " bulong ni Janus habang tinitingnan ng mga gasgas sa kamay ng binata. 'Ang bango ng amoy ng pheromones ni kuya Irie. ' komento ni Ayen. 'Ang ganda din. ' sang ayon ni Shiro ng makita ang asul na pheromones na nakapalibot sa dalawang tao na nasa bench. "Posible ba na maging ganito kabango ang pheromones ng isang omega? " ani ni Yamir na kinatingin nina Eros. "Anong mabango? Wala naman kami naamoy. " ani Eros na kinatingin ni Yamir. "Hindi 'yun naamoy ng mga alpha na may ka mate na." sagot ni Ayen. "Natural scent 'yun ng omega," "Natural scent?" ulit ni Agasse na kinahagikhik ni Ayen. "Pag may sakit ka at malungkot nilalabas ko ang pheromones na 'yun hindi mo lang naamoy or nakikita. " "Parang healing magic 'yan para sa mga kamate namin pero problema sa side namin once na may mga alpha na makaamoy 'nun. Hindi malayo na bigla kaming sunggaban dahil sa sweet pheromones na nilalabas namin. " "Hindi yata aware si Irie na nakakapaglabas siya ng sweet pheromones." "Natural lang ba na makapag labas kayo ng ganyan pheromones? " ani ni Yamir na kinatingin ni Shiro. "Natural scent namin 'yan ng mga dominant omega. Once na nasa tabi kami ng sarili naming alpha automatic na naglalabas kami ng natural scent kasi komportable kami. Siyempre dapat matuto din kami na kontrolin iyan kahit sweet pheromones dahil siguradong malaking problema once na lapitan kami ng iba pang alpha. " sagot ni Shiro na nakayakap sa likod ni Regan na kumakain ng Cookies. "Teka, ano nga ulit sabi mo Ayen? Hindi naamoy ng may ka mate na? " tanong ni Agasse sa kasintahan. "Yes, naamoy lang ang sweet pheromones ng isang dominant omega, 'pag beta ka o isa ka din na omega. " "Alpha ka Eros diba?" "Gago ka ba? Nagdududa ka ba? " asik ni Eros na kinatingin nina Yamir. "Putangina ka! Bakit hindi mo sinabi na nakita mo na ang mate mo! " "Bulyaw ni Yamir bago sinakal ang binata na kinagulat ng lahat. "Puta! Anong mate sinasabi mo?! Nakita niyo na ba na nabaliw ako katulad ni Janus at Agasse! " sigaw ni Eros habang tinatanggal sa leeg ang braso ni Yamir. "Aray! Putangina ka Yamir! Bitaw! " "Wala ka pang mate? " kunot noo na tanong ni Shiro bago tiningnan si Ayen na nagkibit balikat lang. "Sigurado ka ba Eros na hindi mo pa nakikita ang mate mo? " "Hindi nga! " sigaw ni Eros habang hinihilot ang leeg. "Paano malalaman ni Eros kung hindi sasabihin ng omega na siya ang mate. Affection lang ang nararamdaman ng isang alpha pag hindi pa sila totally bonded ng mate niya." sabat ni Regan. "Paano nalaman ni Janus na mate niya si Irie kung hindi pa sila nagkikita. " "Duhh! Diba dahil 'yun sa dugo ni Kuya Irie na nasa scarf. " "Imposible talaga 'yang sinasabi niyo. Hindi ko pa nakikita ang mate ko. Sigurado naman na magrereact ang pheromones ko once na nasa paligid ko lang ang mate ko diba. " ani ni Eros habang naka cross arm. "S-Salamat. " nahihiya na bulong ni Irie matapos gamutin ni Janus ang mga palad niya at tuhod na nilagyan ng band aid matapos linisan. Nang maibaba ni Janus ang slack ng binata tumayo na ito at niligpit ang mga binili na first aid kit. "Sa susunod mag ingat ka para hindi ka nasusugatan. " "Janus! " Napatingin sina Irie at Janus ng may kumaway sa pinaka entrance ng garden kung saan sila nakatambay. "Si Vana. " ani ni Agasse na nakakunot ang noo. "Tapos na ang meeting diba? " ani ni Eros ng makita ang secretary. "Pinapa follow up ng Dean ang medical result ng first years. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung anong gagawin ko. " nahihiya na sambit ni Vana. "Ganu'n ba? Sige assist kita after ng klase natin. " ani ni Janus na nakatalikod kay Irie. "Una na ako, Irie." paalam ni Janus sa binata matapos ito tingnan. Tumango lang si Irie habang nakatingin kung saan. Matapos makita na naiilang ito dahil sa babae hinila na nito si Vana paalis na nakatingin kay Irie. Dahil sa paghawak ni Janus kay Vana hindi nito nakita ang kakaibang expression na pinakita ni Irie dahil sa pagiging careless ng binata. Palihim na napangisi ang dalaga ng magtama ang mata nila ni Irie. "Grrr, nakita mo iyon Sherline? Ngumisi ang higad na 'yun kay Kuya Irie. " gigil na sambit ni Ayen ng makaalis ang Jeya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD