2. #BirthdayGift

1625 Words
2. #BirthdayGift Dumiretso si Tasya sa kusina ngunit hindi na niya nagawa pang kumain. Nalipasan na siya ng gutom sa nakita. “Ano ba talagang nangyayari? Nabuhay ba talaga sila sa panaginip ko o baka naman talagang mga tao sila na nag-eexist?” Pinuno niya ng tanong ang sarili habang hinihilot ang sentidong sumasakit na sa kaiisip. “Hindi maganda ang feel ko rito sa lalaking kulay green ang mata. Sa panaginip ko siya yung mas nakakatakot at ang mga tingin niya sa akin kanina talagang nakakatakot.” Nagtayuan ang kanyang mga balahibo at tila nanlaki ang kanyang ulo sa mga sumunod niyang naisip. “Baka kailangan kong ilayo ang best friend ko sa kanya.” Muli na sana siyang papanik upang kausapin ang kaibigan ngunit pababa na ang mga ito. Magkaakbay sina Miah at ang lalaki. Abot-tainga ang ngiti ng kanyang kaibigan sa kanya. “Good morning Tasy.” Tasy ang tawag sa kanya ni Miah. “Happy new year. Meet my new boyfriend Jorizce Avio.” Maganda rin ang pangalan ng lalaki kasingganda ng panlabas nitong kaanyuan ngunit hindi iyon nagpabago sa hindi magandang kutob niya rito. Pagbaba ng dalawa sa hagdan ay kaagad na inabot ni Jorizce ang kamay nito sa kanya. Tinitigan niya lang ito. Hindi niya magawang iabot ang kanyang kamay. “May problema ba Tasy?” Tanong ng kaibigan niya ng mahalata siguro ang ilang niyang pakikitungo sa bagong nobyo nito. Pabilis siyang nag-isip ng dahilan. “Ah eh, galing kasi ako sa kusina. Marumi pa ang kamay ko. Nice to meet you nalang.” Pilit niyang binigyan ng ngiti ang lalaki at saka mabilis niyang inilagay sa likod niya ang mga kamay. “Nice to meet you Fantasia.” Natigilan siya at napatitig sa berde nitong mata ng sambitin nito ang buong pangalan niya. “Ibang klase ka talaga Babe natandaan mo kaagad ang pangalan ni Tasy nung kinwento ko sayo.” Nangingiting sabi ni Miah. “Fantasia Aldama, 22 years old tomorrow.” “Wow pati ang birthday niya bukas na nakwento ko rin sayo ay natandaan mo na. I love you na talaga.” Miah was very amazed but Tasya felt that everything was wrong. Nakatitig lang sa kanya ang lalaking Jorize pala ang ngalan. Parang normal lang ang mga titig na iyon ngunit alam niyang may mas malalim itong kahulugan. Napapraning lang ba siya o may dapat siya talagang ipangamba? “Hey Tasy! Nakatulala ka dyan.” Muli siyang bumalik sa sarili sa ginawang mahinang pagtapik ng kaibigan sa kanyang braso. “Aalis na kami ng Babe ko huh. Baka bukas na ang balik ko sa birthday mo.” “Maaga pa ah. Mamayang gabi may trabaho ka pa.”Nag-aalalang tugon niya. “Don’t worry about me. Nandito lang si Jorizce hindi niya ako pababayaan.” Kumapit na itong muli sa braso ng lalaki at saka lumakad palabas ng pinto. Bago tuluyang lumabas ay minsan pa siyang tinitigan ng lalaki na muling nagpatindig ng kanyang balahibo. Isasara sana niya ang pinto ngunit kusa itong sumara at malakas ang pagkakasara rito ng hangin. “Diyos ko po. Huwag niyo pong pababayaan ang best friend ko.” Napatakip siya sa kanyang bibig. Lumipas ang maghapon. Hindi niya nagawang simulan ang draft ng bagong kwentong gusto niya sanang gawin. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan. Mga bagay na nagiging dahilan upang hindi siya makapag-isip ng magandang kwento. Alas-nwebe na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Miah. Nag-aalala na talaga siya para rito. Ilang sandali pa ay tumunog ang cell phone niyang nasa gilid ng writing table niya. Mabilis niya itong sinagot na hindi na tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Hello.” “Hello Tasya. Si Ate Eunice mo ito. Advance happy birthday sayo ha? Hindi ako makakauwi mamaya at bukas dahil may bagong news akong iko-cover. May isang babae kasi na pinatay ng nobyo niya. Heto papunta na kami ng team ko.” Hindi niya maiwasang kabahan sa sinabi ng kapatid ni Miah. Ang kaibigan niya kaagad ang pumasok sa kanyang isipan. “Ate si Miah po kasama ngayon ang bago niyang nobyo. Natatakot po ako para sa kanya.” Nang siya ay mahimasmasan mula sa kanyang mga iniisip ay sinagot na niya ito. “Hello? Hello Ate Eunice!” Nawala na pala ito sa kabilang linya. “Ano’ng kinakatakot mo?” Nabitawan niya ang hawak na cellphone dahil sa labis na pagkagulat. “Tinakot mo naman ako eh Miah.” Saka niya pinulot ang cellphone na nalaglag. “Tinatanong kita Tasy, ano’ng kinakatakot mo sa nobyo ko?” Seryoso ang tono at mukha nito. “Hi-hindi naman sa natatakot. Nagtataka lang kasi ako. Isang linggo palang mula noong naghiwalay kayo ni Joven. Nakita ko kung paano ka nasaktan dahil mahal na mahal mo siya. Tapos ngayon may bago ka na? Agad-agad? Hindi ka naman ganyan.” Paliwanag niya rito ngunit hindi niya pinagtapat na napapanaginipan na niya ang lalaki. “Ang totoo niyan hindi naman kami eh.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Ano?! Nakipag-s*x ka pagkatapos hindi naman kayo?” Kinagat niya ang labi dahil sa hindi niya nakontrol ang sinabi. “Alam mong may nangyari sa amin?” “Galing siya sa kwarto mo, ano pa ba ang gagawin niyo dun? Magkatabi pa ang kwarto natin at sana hindi kayo masyadong maingay habang ginagawa yun baka sakaling hindi ko pa narinig. Baka sakali rin na hindi ako mapasilip.” “He’s really good in bed. Nakagawa kong kalimutan ang sakit na binigay sa akin ng hayop nay un ng dahil sa kanya. Kung sakali man madali lang din akong mahuhulog sa kanya dahil he’s more than Joven. Mas gwapo siya, mas makisig, mas hot.” Nag-aabang na ang luha sa mga mata nito. “Nandoon na ako pero bagong kilala mo lang sa kanya binigay mo na kaagad ang p********e mo. Yung ugali niya wala ka pang alam. Hindi mo pa siya lubos na kilala.” “Ayoko ng umiyak Tasya.” Tumingala ito at akmang pinipigilan ang pagluha. “Huwag na natin siyang pag-usapan nangyari na ang nangyari. Baka iyon na ang huli naming pagkikita. Huwag mo nalang sala akong isumbong kay Ate Eunice.” “Muntik na kitang masumbong. Sana naman makapa-move on ka na kay Joven pero sana huwag naman sa ganyang paraan na hahanap ka ng iba tapos magiging s*x partner mo lang. Makakakilala ka rin ng mas nababagay sayo, yung lalaking hindi ka sasaktan. Maghintay ka lang. Sa ngayon hayaan mong kaming mga nagmamahal sayo ng totoo ang tumulong sayo upang makalimot ka.” Niyakap niya ito. Masaya siya at walang masamang nangyari rito. “Thanks Tasya. The best ka talaga.” “Saan ka ba nanggaling maghapon? May trabahao ka ngayong gabi hindi ba?” “Saan nga ba ako nanggaling?” Kinamot nito ang ulo. “Wala akong matandaan. Kami lang ni Jorizce ang magkasama. Wala naman akong matandaan basta ang alam ko pauwi na ako.” Umupo ito sa gilid ng kanyang kama. Nakakunot ang noo at tila iniisip kung saan nga ba nanggaling. Naupo rin siya sa tabi nito. Her heatbeat was very fast. Miah can’t remember anything. Naisip niyang may kakaibang nangyayari sa kaibigan na dulot ng lalaking iyon. Lalo pa siyang nagduda sa tinatakbo ng mga pangyayari. May misteryo talagang nakalukob sa dalawang lalaki sa kanyang panaginip. “You know what nakakapagod lang mag-isip. Mabuti pa ay i-celebrate na natin ang birthday mo dahil baka maghapon akong tulog bukas.” Hinawakan ang kamay niya nito. Minabti nalang niyang sumama rito. Tama naman ito, nakakapagod mag-isip ng mag bagay na mahirap hanapan ng kasagutan. Uminom sila na tig-isang beer. Nagluto rin sila ng carbonara. Simple lang pero masaya si Tasya na ginagawa ito para sa kanya ng kaibigan. Isang linggo na rin na hindi niya ito makausap ng maayos dahil sa hiwalayan pero ngayon tila nagbalik na ang sigla nito. Pinauna na niya itong matulog. Niligpit na muna niya ang mga kalat nila. Habang nagliligpit at muling bumalik sa kanyang gunita ang lalaking kasama ng kaibigan niya. Nakipag-one night stand lamang ito kay MIah. Naisip niyang hindi nag ito mabuting tao dahil nagagawa nitong pumatol sa isang babaeng may malalim na pinagdadaanan. “Wala siyang modo. Hindi na niya ginalang ang kaibigan ko. Kahit si Miah pa ang nagbigay motibo dapat hindi pa rin niya pinatulan. Bakit kasi may mga lalaking ganyan.” Kinukumbinse niya ang sarili na iyon lamang ang dahilan kung bakit siya kinakabahan dito. Pilit niyang winawaksi sa isipan na bahagi ito ng panaginip na matagal nang gumagambala sa kanya. Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa kusina. Alas-dose na pala. Kaarawan na niya talaga. “Hay, twenty-two ka na Fantasia. Sana dumating na ang lalaking para sayo. Yung lalaking matatanggap ang nunal sa ilong mo pati na ang buhok nito at ang bawat tigidig mo sa mukha.” Huminga siya ng malalim. “Happy birthday to myself.” Ilang saglit pa ay may kumakatok sa pinto. Naisip niyang si Eunice ito. Hindi siya nagdalawang isip na buksan ito ngunit pagbukas niya ng pinto ay wala namang tao sa labas. Isang malamig na hangin ang naramdaman niya sa kanyang balat. Nangyari na ang ganitong tagpo sa kanya noon mag-iisang taon na ang nakararaan. Hindi na niya uulitin pa ang dating pagkakamali na lumabas pa siya. Sinara na niya ang pinto. Pagtalikod niya upang bumalik sa kusina ay halos malaglag ang puso niya sa labis na pagkatakot at pagkagulat. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking asul ang mata. Ang lalaking tinulungan niya noon at muntik ng may mangyari sa kanila. Ang lalaking sa pantasya niya lang naisip. “Ikaw?” “Happy birthday.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD