"You will be my personal assistant until that wedding day." Teka, ano raw? Sinabi ba niyang personal assistant? In short ALILA NIYA. Napahinga ako nang malalim. "What exactly is my job description, boss?" "How much is your price?" Natahimik ako. Mukhang seryoso siya sa job offer na ibinibigay niyang 'to. "Name it," pahabol niya pa. Napalunok ako bigla sa kaba. Ano ba 'tong pinapasok ko? 'Di naman siguro niya ako pagagawin ng ilegal, ano? "A-ang totoo niyan, boss, wala akong idea kung... K-kung ano ba ang ginagawa ng mga assistants na 'yan," paliwanag ko. "Gagawin mo lahat ng sasabihin ko," sabi niya. Potek bakit parang napaka-authoritative pa rin ng boses niya kahit nagta-Tagalog na? Sobrang nakakatakot! "Sa kahit anong presyong gusto mo." Napalunok ulit ako. 'Yung mga ganitong desi