Hindi ako nakapaniwalang siya 'yung lalaki sa train station. Hindi, hindi talaga. Bakit nga ba hindi ko man lang naalala ang mukha niya? At bakit naman ganoon na lang ang hatred niya sa 'kin? To think na niligtas ko na nga ang buhay niya, ganoon pa ang attitude niya towards me? Ano ba ang kasalanan ko sa kaniya? Anyway, may mga tao talaga sigurong hindi pinalaki na may kinikilalang 'utang-na-loob'. Malamang isa siya sa mga 'yan. Hay, monay. Makapaghintay na nga lang sa kuya ko dito sa labas. Dito na lang ako sa gilid ng kalsada para 'di na mag-park si Fernandez. At kapag minamalas ka nga naman, kung kailan napag-desisyunan ko na lang na maghintay dito sa labas, bigla pang nagbadya ang 'di magandang panahon. Maya-maya, bumuhos na ang malakas na ulan. Buti na lang at may payong akong dala.