Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa reception area para i-retrieve and ID na iniwan ko sa kanila. Sa elevator pa lang, hindi ko na napigilan ang umiyak. Humagulhol, actually. Napasandal na lang ako at nagtakip ng mukha. Kung bakit naman kasi lumabas sa records nila 'yung tungkol do'n. Paano naman nila nalaman pati 'yung mga report na 'yon? Kainis! Ang pinakamasakit sa'kin dito ay 'yung paalala tungkol sa mga magulang ko. Pilit kong kinalimutan ang katotohanan na 'to sa loob ng ilang taon. Sa dinami-dami ng tao, itong hindi ko pa kilala ang magpapaalala sa 'kin tungkol dito. Sayang, ang gwapo pa naman niya. Tapos ganoon pala siya manghusga. Sana nagtanong muna siya kung ano 'yung mga hindi niya nababasa sa papel na 'yon. Straightforward din ako magsalita pero alam ko kung saan dapat mag