S q u a r e O n e ( S H E )

1065 Words
Isang malamig na umaga ng Lunes. Pagkatapos na ma-terminate dahil sa naging lihim na relasyon namin ni Luis, walang paa-paalam na naglaho ako sa buhay niya. Naguguluhan ka ba? Puwes ipapaliwanag ko. Si Luis ang manager ng Loss Mitigation Department. No'ng mga oras na 'to, nakahain na ang mga papeles ko para mailipat sa department niya pero nang matuklasan ng halimaw na si Medusa, ay, este Medina pala, na may relasyon kami ni Luis, naghain siya ng Corrective Action Form for 'Termination due to promotion in exchange of s****l favors'. Ang laswa pakinggan, 'di ba? Oo, ifa-file pa lang ang report na 'yan. Ang totoong dahilan kung bakit ako na-terminate ay si Medusa. Dahil sa ginawa niyang report, nagkalat ang tsismis na kabit ako ni Luis. Bwiset na 'yon! Malay ko bang may asawa't anak na 'yung hayop na 'yon? Kaya pala niya nililihim ang relasyon namin. At itong si malditang Medusa naman na matagal na palang may gusto sa kaniya, hindi lang naka-chukchakan si Luis, nagsumbong na. Dahil diyan, inabangan ko siya sa labas ng elevator at saka binugbog at hinubaran. Sa sobrang kahihiyan, umalis na rin siya sa kumpanya at ang resulta, ako ang tinanggal. To cut the story short, ako ang nagmukhang kontra-bida at totoong Medusa sa mata ng lahat. Itong si Luis naman, wala man lang ginawa para linisin ang pangalan ko. Six years din akong nagtrabaho for Republic Mortgages. Sa lecheng kalandian na 'to, tapos ang mga pinaghirapan ko. Hay, monay. Ang hirap maghanap ng trabaho na tatanggap sa background ko. Sa tuwing nasa interview ako, at tinatanong kung bakit umalis ako sa dating kumpanya ko, nagwo-walk out na lang ako dahil malamang ay hindi nila maiintindihan ang sitwasyon ko. Siguro oras na para mag-umpisa ako ulit. Back to zero. Hindi ko na ide-declare 'tong dating kumpanya ko sa resume ko. "Magandang umaga, Inoue," pagbati ni Salcedo. Walang maganda sa umaga. "Nakita mo ba si Molina?" "Lunes na Lunes, ang init ng ulo mo. Nandoon sa taasan, may binili ata," natatawang sagot ni Salcedo. "Bwiset naman, o. Alam niyang aalis ako, e," galit na nasambit ko. Umupo na lang ako habang naghihintay sa pagbalik ni Molina. Nasa kaniya kasi ang pamasahe ko. Sa bahay ni Guya, at hindi ako nagbibiro dahil Guya ang apelyido ni Marcus, isang grupo kami ng mga magkakaibigan na nakatira. Ako lang ang babae sa 'min. Lumaki kaming mga walang magulang at walang kamag-anak na nakabantay. Si Guya, Fernandez, Molina, Salcedo, Alvarez, Puyat, Galang, at ako. Sa iisang bahay kami tumira sa pangangalaga ng foster parents. At nang magkabahay ang isa sa aming mga kapatid, walang alinlangangan na nagsilipatan kami sa bahay niya. Sa daan ko papunta sa bagong kumpanya na a-apply-an ko, una akong tumungo sa bus stop. Tapos jeep. Tapos sa train station. Hindi kagaya ng LRT at MRT, ang train dito sa amin ay bihirang may tao dahil sa kalumaan nito. Ngunit dahil mahaba pa ang oras, ito ang napili kong sakyan. Walang tao sa paligid. Maliban sa isang lalaking susuray-suray siguro sa kalasingan na nakita kong nakatitig sa cellphone niya. Nandoon siya sa kabilang platform. Bakit ko ba siya pagtutuunan ng pansin? Malamang may problema siya. Sinalpak ko na lang nang mabuti ang headset ko at kasabay ng tugtog ay kumanta. A few stolen moments is all that we share... Favorite song ko 'to. Luma na pero lagi kong pinakikinggan. Sa malayo, natanaw ko na ang mabilis na tren at naghanda na ako para sa pagsakay. Dorja Mortgages and Co., here I come! Bigla ko na lang napansin 'tong lalaki sa kabila na tumawid at tumayo sa daraanan ng tren habang umiiyak! "Kuya!" sigaw ko. Wala nang oras para tawagin ko siya. Hindi siya umaalis doon. Binitawan ko ang mga gamit ko at mabilis na tumakbo para itulak siya. Tumilapon kaming dalawa sa kabilang platform, sa pinanggalingan niya, just in time bago kami masagasaan ng tren na hindi man lang tumigil! f**k this s**t. Sobra 'yung kaba ko! "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" maagap na tanong ko. Malamang, nasaktan siya. Ikaw ba naman ang magpaka-tangang humarang sa riles ng tren at maitulak sa batuhan ng platform. Para namang mananalo siya sa tren. Pakiramdam ko naiwan ang puso ko sa kabilang platform. Hahanapin ko na lang siguro mamaya. Tinitigan niya ako nang mabuti. Nasa ilalim ko siya. Magang-maga 'yung mga mata niya at grabe 'yung amoy ng alak. Madumi rin ang mukha niya sa natuyong dugo, galing siguro sa away 'to. Kung ano man ang dahilan niya para magpakamatay, wala akong paki. Basta 'wag niyang gagawin sa harapan ko, 'no! Ito siguro 'yung tinatawag na adrenaline rush dahil walang dalawang isip na kumilos ang katawan ko pagkakita ko sa kaniya at do'n sa tren. "Dadalhin kita sa ospital." Pumipikit-pikit na halos ang mga mata niya. Umupo ako sa gilid niya. Buti na lang at hawak ko ang ulo niya kung hindi baka nabagok siya. 'Yun pa ang ikamamatay niya. Nawalan na siya ng malay bago pa dumating ang ambulansiya. Sinama ako hanggang sa ospital. Hawak ko 'yung mga gamit ko at 'yung mga phone namin na parehas nasira dahil sa impact. Habang ginagamot nila ang bali-baling braso at buto sa kamay ko, nakita kong ineeksamina na siya sa kabilang hospital bed. Naka-puting collared shirt siya na mantsado ng halong dumi sa platform at dugo. Ayos 'to. Wala akong trabaho, hindi nakapag-apply, muntik nang mamatay, at ngayon, pilay-pilay. Tapos basag 'yung phone ko. Swerte ko talaga. "Kaano-ano po sila ng pasyente?" Napalingon ako sa nurse. Kinakausap niya pala ako habang ginagamot ako ng doktor. Hindi ko sila mapansin dahil nakatitig ako do'n sa kaawa-awang nilalang. "Nakita ko lang siya. Magpapakamatay ata sa Magsaysay. Instincts told me that I should save him from the blazing speed of the human mode of transportation." Dahil ito malamang sa anesthesia na itinurok sa 'kin kaya kung anu-ano ang sinasabi ko. Tinawanan na lang ako ng doktor at ng mga nurse. Lugo-lugo na rin ang utak ko, pakiramdam ko, any moment now, magpa-pass out na ako. Pagkagising ko, medyo madilim na sa paligid. Nakapatay ang mga ilaw pero alam kong ibang kwarto na 'to. Bumangon ako at agad na nakaramdam ng p*******t ng katawan. Uhaw, pagod, gutom, badtrip, at takot—'yan ang mga nararamdaman ko. Balita ko, may mga multo raw sa ganito at kung sinong punyeta man ang nagpatay ng ilaw bago umalis ay baka mapatay ko rin. Alam naman nilang mag-isa ako, hinayaan pa nilang maiwan ako sa dilim. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa likot ng isip ko. Makadalaw na nga lang sa dahilan ng kamalasang 'to...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD