Zaiden Nakatayo ako sa harap ng malaking puno sa Elfwood, sa sobrang lakas ng pagyanig ay umangat sa lupa ang ilang bahagi ng ugat nito. Makikita rin ang pag kabiyak ng lupa. ‘Ang lakas na pagyanig na iyon. Sigurado akong isa sa kanila ag may gawa nun.’ Sinundan ko ang mga bitak na lupa. Malapit na ako sa labas ng Elfwood at papasok na mismong Sentro ng Gubat. “Anong ginagawa mo dito?” Napalingon ako sa pamilyar na boses mula sa aking likuran. Nakatayo si Oceane sa di kalayuan sa akin at nasa tabi niya si Castor na nakapasok pa ang dalawang kamay sa bulsa niya. Katulad ng huli ko silang makita, walang ekspresyon ang mukha nilang pareho. Blanko ito. Hinarap ko sila. “May naramdaman akong malakas na pagyanig, sinundan ko ang mga bitak sa lupa.” “Ako ang may gawa ng malakas na pagyanig