Mercedes NAKARINIG na rin ako ng pagbaril ng mga sumusunod sa amin. Hinawakan ko ang braso ni Kirill at naupo siya sa driver seat. “Kazimir…” Tinawagan niya si Kazimir. “Someone is following us.” “Copy that, Captain. We’re on it.” Hinawakan ni Kirill ang manibela at mabilis na pinaharurot ang kotse. “Sino sila, Kirill? Mga tauhan ba ni Abram?” “Don’t know. Don’t care. They will die tonight no matter who they are.” Kirill is not taking this seriously. Siguro dahil alam niyang kayang-kaya niya naman kung sino man kumakalaban sa kanya. Nakarinig ulit ako ng pagbaril mula sa mga lalaking sumusunod sa amin. “Kirill, they are firing on us,” sabi ko. Nakakaramdam na ako nang matinding kaba. Hindi ako sanay na may humahabol sa akin at binabaril pa. “You’re safe, Mercedes. This is a bulle