Mercedes HINDI ko maintindihan kung paano kami napunta ni Kirill sa ganitong sitwasyon. Para bang the more na tinatago namin ang kung ano mang mayroon kami ay lalong gumagawa ang tadhana para paglapitin kaming dalawa. Ikinagulat ko na makitang naandito ang pamilya ng mga Ivanov kanina. My father invited them to dinner dahil minsan na nga lang magkita-kita ang mga pamilya namin. Sabi ko nga, kaibigan din ni Daddy ang parents nina Kirill. Nagpasiya na ako kanina na lalayuan ko si Kirill ngayong gabi at magpapanggap na hindi ko siya kilala dahil ito naman talaga ang unang pagkakataon na tumapak siya sa bahay namin. Madalas noon ay sina Uncle Mikhail lang at si Dmitry ang napunta rito. Kaya bakit katabi ko si Kirill sa hapag-kainan ngayon? Nakaupo sa kabisera si Daddy, sa gilid niya ay si